Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGYAYABANG
Bukod sa pagkakilala sa Diyos, wala tayong dapat ipagmayabang! Lahat ng kakayahan natin at ng ating mga anak ay mga biyaya mula sa Diyos, pero minsan ay nagiging mapagmataas tayo sa kung paano natin, o ng mga anak natin, gamitin ang mga kakayahang ito. Hindi masamang ipagmalaki ang mga anak mo kung malinaw sa iyo na ang kanilang mga talento, at ang kakayahan nilang gamitin ang mga iyon, ay mula sa Diyos. Kapag nagiging mapagmalaki tayo tungkol sa kanilang mga nagagawa, ang atensyon natin ay nagiging pagbibigay papuri sa mga anak natin imbes na pagbibigay papuri sa Diyos.Sa kabilang banda, kapag naiinggit tayo sa mga talento ng ibang bata, maaaring iyon ay tanda ng pagnanais na papurihan tayo dahil sa tagumpay na nakakamit ng mga anak natin. Tandaan mo, ang mga anak mo ay nilikhang kahanga-hanga at kagilagilalas. Bagamat ang ibang mga kaloob ay mas nakakahatak ng paghanga ng mga tao, walang alinman sa mga ito ang mas mahalaga kaysa sa mga piniling ipagkaloob ng Diyos sa iyong mga anak.Matutong maging kuntento sa mga regalong kaloob ng Diyos sa iyong mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com