Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 120 NG 280

PAGDARASAL PARA SA IYONG MGA ANAK

Napakagandang halimbawa ang panalangin ni Pablo para sa mga taga-Efeso, kung paano natin maipagdarasal ang ating mga anak nang mabuti. Nagsimula siyang lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng diwa ng pasasalamat. Gaano ba kadalas na nauuna pa nating banggitin ang ating mga pangangailangan at kagustuhan bago pa man makapagpasalamat para sa mga biyayang natanggap at kilalanin ang Kanyang kaluwalhatian?Alam ni Pablo na ang karunungan ay magbibigay sa mga mananampalataya ng kabatiran sa tunay na kalikasan ng mga bagay-bagay at sa paghahayag ay makikita ang katangian ng Diyos, kung kaya't makikilala nila ang Ama nang personal at mabuting-mabuti. Idinadalangin ni Pablo na sana'y lubos nilang maintindihan ang pag-asa at kapangyarihan na kanilang mana sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay kanilang mararanasan ang kapayapaan ni Cristo na siyang nangingibabaw sa lahat ng kamunduhan.

Pagpapasalamat, karunungan, pagkakakilala sa Diyos, at kapayapaan. Ano pa ba ang aasahan o nanaisin natin para sa ating mga anak?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com