Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA HANDOG
Maaaring ang pagtingin natin sa mga ginagawa natin para sa Diyos tulad ng pagsisimba, pagbibigay ng ikasampung bahagi ng ating salapi, at pagsali sa Bible Study ay mga pabor natin sa Kanya at umaasa pa tayong pahahalagahan Niya ang ating pagsasakripisyo ng oras at pera. Maaari ding magkaroon pa tayo ng pakiramdam na dapat Niya tayong gantimpalaan. Ngunit hindi kailangan ng Diyos ang ating mga sakripisyo. Sa Kanya naman talaga itong lahat!
Ang tunay na pagsamba ay kinikilala na ang lahat ng bagay ay sa Diyos, kabilang na ang ating oras at mga anak. Ang bawat pagtibok ng puso ay Kanyang kaloob. Ang pagkakaroon ng ganitong pananaw ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong maghandog ng tunay na pagsamba sapagkat alam nating wala tayong pag-aari dito sa mundo. Dahil sa biyaya ay natatamasa natin ang magandang ugnayan sa Kaniya at dahil rin dito kaya tayo nakakapaghandog ng mga bagay na ito.
Huwag magkaroon ng hinanakit kapag tinatawag kang magbalik sa Diyos; tingnan mo itong isang pagkakataong ipahayag ang iyong pagmamahal at pananampalataya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com