Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 123 NG 280

MGA KATITISURAN

Ang ating halimbawa ay may malaking epekto sa ating mga anak. May mga kalayaang tinatamasa tayong mas may edad dahil taglay na natin ang karanasan at ganap na gulang upang panatilihin ang mga ito sa tamang pananaw. Subalit ang kalayaang ito rin ang maaaring maging bitag para sa ating mga anak sapagkat hindi pa nila taglay ang sapat na karanasan at ganap na gulang. Yaong isang kalayaan para sa iyo ay maaaring maging sanhi ng pagkaalipin para sa isang batang pinipilit tularan ang iyong pagkilos.

Maaaring kailanganin nating isakripisyo ang ilan sa ating kalayaan dahil ang ating mga anak ay wala pa sa ganap na gulang. Baka kailanganin nating pag-isipan ang mga pagpili natin pagdating sa pag-inom, sa mga pelikula at programa sa telebisyon na pinanonood, at maging ang mga salitang ating ginagamit, at bahagyang baguhin ang ating mga ginagawa sapagkat hindi natin alam kung saang dako maaaring madaling magpumiglas ang ating mga anak. Hanggang sa dumating ang panahong kaya na nilang salain ang ating mga kilos sa pamamagitan ng mas may gulang na pananaw, maaaring kailanganing pigilin ang ilan sa mga kalayaan natin upang ang ating mga pagkilos ay hindi maging katitisuran nila.

Pag-isipan mo ang mga ginagawa mong halimbawa sa iyong mga anak. Sapat na ba ang kanilang talino upang tularan ang lahat ng iyong ginagawa?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com