Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 122 NG 280

ANG KABAITAN AY DAAN TUNGO SA PAGSISISI

Kapag sumusuway ang ating mga anak, nangangatuwiran tayong puwede namang tumugon nang may galit, pag-uudyok, o uyam. Maaaring masarap sa pakiramdam ngunit panandalian lamang, at bihirang makamit ang resultang gusto natin. Ang bersikulong ito ang nagsasabi kung bakit ganito. Maaaring "tama" tayo sa pagtatama ng situwasyon ngunit "mali" pa rin kung paano tayo tumugon. Tayo ay pinananawagang itrato ng may respeto ang ating mga anak, sa kabila ng hindi pagkakasundo, sapagkat ganito rin tumugon ang Diyos sa ating paghihimagsik.

Sa halip na hangaring magparusa o patunayang tayo ang tama, ang pagganyak ng disiplina ay dapat upang mapabanal ang ating mga anak. Hinahayaan ng Diyos na matutunan natin ang mga mahahalagang aral sa pamamagitan ng mga bunga ng kamalian, ngunit ginagawa Niya ito nang may kabaitan, pagpaparaya, at pagtitiyaga. Ito ang klase ng disiplinang nagdudulot ng pagsisisi!

Sa pagiging mabait, mapagparaya, at matiyaga sa kabila ng pagsuway o paghihimagsik ng ating mga anak, sila ay mas nakakatuon sa kanilang pagkakamali sa halip ng kung ano ang ating tugon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com