Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG PAGTATAYO NG TEMPLO
Ninais ni David na ipatayo ang templo ng Panginoon, ngunit pinili ng Diyos ang anak ni David, si Solomon, na siyang magtayo nito. Isipin na lang ninyo kung gaano kahirap na bitawan ang proyektong iyon sa kanyang anak na wala pang karanasan! Tumulong si David sa mga paghahanda, ngunit kinilala niya na ang mismong pagpapatayo ay responsibilidad ni Solomon.
Kung minsan ginagampanan natin ang mga responsibilidad na dapat ay sa ating mga anak. Mahirap para sa atin na ibukod ang pagtulong sa mismong paggawa. Ang kanilang kabataan at kakulangan ng karanasan ang nagiging dahilan kung bakit wala tayong tiwala sa kanilang mga kakayahan at nakikialam tayo sa pamamagitan ng pamamahala, pagpapaalala, pangungulit, o pagsagip sa kanila sa kanilang mga kamalian. Nababawasan ang ating pag-aalala, ngunit pinapahina nito ang mga aral na kailangan nila upang lumago at magkaroon ng kahustuhan ng isip.
Kung tayo ay maghihintay hanggang sa makatapos sila ng mataas na paaralan bago natin bitiwan ang pamamahala sa kanila, maaaring hindi nila kayanin ang gumawa ng mga responsableng desisyon. Gawin ninyong malinaw kung ano ang inaasahan ninyo, ngunit hayaan ninyong magkaroon ang inyong mga anak ng mga tungkulin na naaangkop sa kanilang edad - paggawa ng mga takdang-aralin, paggising sa umaga, pag-alala sa mga kinakailangang gamit, - at maranasan ang bunga ng kanilang mga ginagawa. Ganito ang paraan kung paano natin sila maihahanda upang "magtayo ng templo" nang wala tayo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com