Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 124 NG 280

PAGHIHIKAYAT AT PAGPAPAHINTULOT NA MAGING MALIKHAIN

Bilang mga magulang, maaari nating ipilit ang ating pamamaraan sapagkat agad nating ipinapalagay na ang ating kaparaanan ang pinakamagaling. Subalit, sa ginagawa nating ito, hindi nalilinang ang kahusayang lumutas ng mga suliranin at ang malikhaing pag-iisip ng ating mga anak. Hindi natin sinasadya, ngunit napapawalang halaga natin ang kanilang kakaibang pananaw at mga kaloob. Maaaring tumagal ng mas maraming oras at pagsisikap upang subukan ang ibang pamamaraan, ngunit maaari kang magulat sa mga solusyon na naisip ng iyong mga anak. Pinagkalooban ng Diyos ang bawat isa sa atin ng iba't-ibang kaloob at ang bawat isang miyembro ng pamilya ay may kakaibang bagay na maaaring ibigay. Tanungin mo ang sarili mo kung saan may angking kakayahan at abilidad ang iyong mga anak na wala sa iyo.

Ang isang maka-Diyos na pinuno ay may kababaang-loob na pahintulutan ang kanyang mga anak na sumikat at hindi kinakailangang maging eksperto.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com