Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 121 NG 280

PAGTATAYO NG BAHAY NG PANGINOON
Madaling mawala sa marami nating mga plano at layunin para sa ating mga anak. Sa katotohanan ay kaya nating tulungan ang ating mga anak na magtagumpay, o sa madaling salita, kaya nating "itayo ang bahay". Ngunit kung hindi tayo naglalakad nang nakaasa sa Diyos, ang mga pagtatagumpay na ito ay wala ring halaga sa buhay magpakailanman. Sa halip, tayo'y "nagtrabaho nang walang kabuluhan".

Madaling mahumaling sa kabantugan na dulot ng ating mga pagpupunyagi nang hindi naiisip kung ang mga ito'y para sa ikatatanyag natin o ng Diyos. Kailangan nating isuko ang ating mga plano sa Diyos araw-araw at hayaang gabayan tayo ng Banal na Espiritu. Tinatawag tayo upang kumilos para sa Diyos, ngunit sa pagkamit ng Kanyang mga layunin at hindi ng sa atin.

Itayo mo ang bahay ng Panginoon at ang iyong pagtatrabaho ay magkakaroon ng kabuluhan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com