Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KALIGTASAN MULA SA MUNDO
Ang mga taong namumuhay nang tapat sa Diyos ay may kapayapaan at ningning dahil walang kasalanan at kahihiyan mula sa sinadyang kasalanan na nagpapabigat sa kanila. Ang pagpili sa isang makasalanang uri ng buhay ay maaaring makapagbigay ng panandaliang kaaliwan, ngunit ang kabayaran dito ay ang ating mga buhay, kaluluwa at mga mahal sa buhay. Yaong mga nakakawala sa pagkaalipin mula sa sinadyang kasalanan ay nakakaranas ng pananariwang muli ng kanilang espiritu, at ito'y nakikita sa panlabas na anyo. Ano pa ba ang mas mabuting handog na maaari nating maibigay sa ating mga anak kaysa sa pagiging halimbawa ng isang nabubuhay na malaya sa pagkaalipin?
Kapag sinisikap ng mundo na akitin ka palayo, maging isang halimbawa ng isang taong bumabaling sa Diyos para sa kaligtasan — hindi mo ito pagsisisihan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com