Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 117 NG 280

PANANAW SA PAGHIHIRAP

Mayroong kakaibang kahinaan na kaakibat ng pagiging magulang. Ninanais nating protektahan ang mga anak natin mula sa paghihirap at sakit. Ngunit kapag tinitignan natin ang paghihirap bilang isang bagay na dapat katakutan, mas nagiging mahirap sa ating unawain kung bakit hinahayaan ng Diyos ang mga mahirap at minsan ay hindi patas na mga kaganapan sa buhay natin at sa buhay ng mga anak natin.

Mayroong ibang pagtingin ang Diyos sa paghihirap. Tinatawag Niya tayo na magkanlong sa Kanya sa mga panahong ito at magtiwala sa Kaniyang kabutihan. Kapag tunay nating naiintindihan ang Kanyang pagmamahal, maaari tayong maging panatag sa kasiguraduhan na ang mga pangyayari sa buhay natin, gaano man kasakit, ay may halagang panghabambuhay. Hindi man tayo laging iniaalis ng Diyos sa mga pangyayaring iyon, ipinangako Niya na sasamahan tayo sa pagharap sa mga ito at hindi tayo pababayaan. Kapag tiningnan natin ang mga pagsubok sa mula sa Kanyang mga mata, mas lalo tayong magiging handang tumanggap ng pagtutuwid dahil alam nating hindi pa natin nararating ang ating huling patutunguhan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com