Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 116 NG 280

PAGKATAKOT SA DIYOS

Ano ang pinakamalaking takot mo bilang isang magulang? Pagbagsak sa pag-aaral? Pagtatakwil ng lipunan? Pagkalulong sa droga? Pagkakaroon ng bahid sa aspetong sekswal? Makapangyarihang pwersa ang takot, at kapag hindi tayo maingat, maaari tayong lumikha ng mga desisyong pangmagulang na pinatatakbo ng mga takot na ito. Imbes na tugunan ang mga usapin ng ating anak nang may pagdamay, disiplina at pananampalataya sa Diyos, baka kontrolin natin at diktahan pa ang kanilang mga buhay. Kahit na pansamantalang maiibsan nito ang pag-aalala natin, maaari itong humantong sa pagiging palaasa o rebelde ng mga bata.Ang takot sa Panginoon ay nagmumula sa pagkilala sa Diyos bilang tagapaglikha at sa mga tao bilang Kanyang nilikha. Mahalaga ito dahil kung hindi natin kikilalanin ang mga hangganan ng ating karunungan, may inklinasyon tayong umasa sa ating mga sarili kaysa sa Diyos. Kapag kinikilala natin ang Kaniyang kadakilaan at kabutihan, tinatanggap natin ang mga hangganan ng ating kontrol at maaari nating Siyang pagkatiwalaan kahit sa gitna ng masasakit at nakasisindak na mga hamon bilang magulang. Maaari tayong manalig na nakikita Niya ang layuning pang-magpakailanman na hindi natin nakikita.Ang mga desisyon natin bilang magulang ay magiging lalong tama kapag mayroon tayong malinaw na pagtingin sa katauhan ng Diyos at sa ating posisyon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com