Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 115 NG 280

MAGMAHALAN

Dapat tayong maging halimbawa ng pagmamahal ng Diyos sa ating mga anak. Ang mga magulang ang unang kurikulum ng mga bata tungkol sa Diyos. Nauunawaan nila ang konsepto ng pamilya sa pamamagitan natin at inihahalintulad nila ang mga umiiral na iyon sa Amang nasa Langit at sa pamilya ng Diyos. Ang magulang na nakikita nila sa tahanan ay ang modelo ng kanilang konsepto ng Diyos sa langit. Kaya napakahalaga ng ating pagsunod sa Diyos at ang magmahalan sa parehong paraang minahal Niya tayo — puno ng sakripisyo.

Mahalagang mamuno sa pagiging halimbawa para sa mga anak natin at mahalin ang mga tao sa paligid natin. Nakikita ba nila ang pagmamahal mo sa kapwa? Kapag hindi, maaaring maging hindi madali sa kanila na magpakita ng pagmamahal sa mga tao sa kanilang buhay.

Maging halimbawang maka-Diyos na inaasahan mong sundin ng mga anak mo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com