Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 114 NG 280

MGA KONSIKUWENSYA SA PAG-IBIG

Maaaring matukoy ang kaparusahan bilang paghihirap, sakit, o kawalan bilang kabayaran sa isang masamang nagawa. Karaniwang kinatatakutan ito. Mabuti na lang, nakita ng Diyos na angkop na ibigay sa atin si Jesus, na namatay sa krus upang maging ang kabayaran para sa ating mga kasalanan. Hindi ninanais ng Diyos na tignan natin ang Kanyang paghatol nang may takot. Si Jesus na ang umako sa kaparusahan doon sa krus. Habang kinakailangan nating pagdaanan ang mga konsikuwensiya ng ating kasalanan paminsan minsan bilang disiplina, hindi na tayo parurusahan o hahatulan.

Kapag kailangang mayroong kahinatnan ang mga anak mo para sa isang maling nagawa nila, isipin ang pagkakaiba ng kaparusahan at disiplina. Ang parusa ay lumilikha ng pansamantalang pagkasira ng inyong ugnayan. Ang disiplina ay kasama nila sa kabila ng maling pagpili, sa paraang lumalakad sa tabi natin ang Diyos bilang resulta ng sakripisyo ni Cristo.

Ipakita ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng paglakad kasama nila sa kabila ng mga maling desisyon kaysa sa malayo ang loob nila dahil sa parusa.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com