Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggawa ng EspasyoHalimbawa

Making Space

ARAW 1 NG 8

Paggawa ng Espasyo


Sa kabuuan ng Mga Kawikaan at partikular sa unang siyam na kabanata, sinasabi sa atin ni Solomon na meron tayong malinaw na mapagpipilian: karunungan o kabaliwan. Kilala ng marunong ang Diyos at nararanasan ang kabuuan ng buhay, habang ang baliw naman ay itinatanggi ang Diyos at nakakaranas ng kamatayan. Ang marunong ay isinusuko ang buong buhay sa Diyos, habang ang baliw ay isinusuko ang buong buhay sa panandaliang mga bagay ng mundong ito. 


Paano mo malalaman kung ikaw ba ay nabubuhay sa takot sa Diyos? Payag kang isuko ang lahat ng bagay sa Kanya-lahat. Ang mga may takot sa Diyos ay walang ipinagkakait sa Kanya. Sa madaling salita, masaya nilang ibinibigay ang kanilang buhay sa Isang pinanggagalingan ng buhay. 


Kadalasan kapag binabasa natin ang Mga Kawikaan, hinahanap natin ang maliliit na tulong upang gabayan ang ating abalang buhay. Karamihan ng mga paraan na tinatalo natin ang ating magulong buhay ay mga organisasyon, mga tuntunin, mga hangganan, at bagong teknolohiya. Ngunit ang Mga Kawikaan ay hindi patungkol sa atin. Patungkol ito sa Diyos. Ang takot sa Diyos ay nangangahulugang tumingin sa Kanya ng may magalang na takot. Hindi natin mauunawaan ang karunungan maliban sa kaalaman ng Diyos Jesu-Cristo. Inilagay ng Mga Kawikaan ang karunungan sa loob ng konteksto ng takot sa Diyos. 


Si Jesus ay mabait, maawain, matulungin, laging andyan, masipag, mapagbigay, mapag-mahal, at matapang. Ang Kanyang karakter ay talagang laging handang ipahayag sa pamamagitan ng pagsusumite Niya sa Ama at Banal na Espiritu sa lahat ng sandali at aspeto ng Kanyang buhay.


Si Jesus ay matapat na sumusunod, nakikinig, ang naglalakad kasama ang Diyos Ama at ang Banal na Espiritu sa krus at sa pagkabuhay. Ang mga ginawa niya sa Ebanghelyo ay nagpapakita at nagaalok ng masaganang buhay sa bawat isa sa lahat ng aspeto ng buhay. Kung nais natin maging marunong, dapat natin kilalanin na naging hangal tayo na nangangailan kay Jesus-ang karunungan ng Diyos para sa atin. Ang karunungan ay ibinibigay sa ating bilang regalo ng Diyos. Dahil iniligtas tayo ng Diyos, tinawag tayo, at pinili tayo, ang karunungan ng Diyos ay ibinibigay din sa atin sa pamamagitan ni Cristo. 


Sinabi ni Jesus na kung hahanapin mo Siya at susundan Siya, magiging karunungan Siya sa iyo. Ibig sabihin nito ay hindi ka lamang napatawad sa iyong kahangalan, pero makukuha mo rin ang Espiritu ng karunungan na pupunta upang manirahan sa iyo, at magbibigay sa iyo ng kapangyarihan at direksyon sa panibagong buhay. 


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Making Space

Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyo...

More

Nais naming pasalamatan ang LifeWay sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa: https://www.lifeway.com/en/product-family/making-space?vid=makingspace

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya