Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggawa ng EspasyoHalimbawa

Making Space

ARAW 7 NG 8

Pagiging Magulang at Pamilya


Basahin Mga Kawikaan 22:6.


Ang salitang sanayinay tumutukoy sa proseso ng pagtuturo sa isang bagong panganak kung paano kumain. Ito ay magandang larawan ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa bawat isa sa atin. Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan, "Tikman at makita na ang Diyos ay mabuti!" (Ps. 34:8). Gusto ng Diyos na malaman natin na kaunti si Jesus mas gustuhin pa natin Siya. At ang pagnanais na iyon ay lalago sa ating buhay. Iyan ang pinagmulan ng salitang sanayin. Ang mga magulang ay sinasanay ang ating mga anak ng mga marahang aplikasyon ng kabutihan, kagandahan, at kasiyahan ni Jesu Cristo. Ginagabayan natin sila para makita nila kung gaano kabuti ang Diyos. Ginagabayan natin sila para maranasan at gustuhin pa. Ito ang pinaka mainam na paraan para maihanda natin sila sa pagtanda. Ang pagsanayin sila sa paraan na dapat nilang mapuntahan ay nangangahulugang pagyamanin sila ng may mabuting biyaya at may kasiya-siyang mga bagay na kung ano si Jesus sa ating mga kaluluwa. Iyan ang ating ginagawa kapag nagiging magulang tayo sa ating mga anak.


Ang konsepto ng pagdidisiplina sa bersikulong ito ay hindi larawan ng pagpaparuha o malupit na pagtrato. Sa halip, ang pamalo ay dapat magpa-alala sa atin ng pastol na inilaan ang kanyang buhay upang alagaan ang mga tupa. Ginagamit niya ang pamalo para dahan-dahang dalhin ang mga tupa sa luntiang pastulan kung saan ay maaari silang kumain o papunta sa tahimik na tubigan kung saan pwede sila uminom. Kapag ang tupa ay tumatakbo papunta sa maling daan, maaaring ihagis ng pastol ang pamalo at matamaan ng binti ng tupa para mapigilan ito sa pagpunta sa bangin o sa mapanganib na lugar. Kapag nag mandarangit ay lumalapit, maaaring gamitin ng pastol ang pamalo para tabuyin ang mandaragit para hindi mapahamak ang mga tupa. Ito ang ideya ng disiplina sa mga kawikaang ito: sa pagmamahal itinatama natin, sinasaway, at pinoprotektahan ang mga anak. Ito ang paraan ng pagdidisiplina sa atin ng Diyos. 


Tinawag tayo para gabayan ang ating mga anak na sumunod kay Jesus. Habang gumagabay tayo, nagiging ehemplo tayo ng kung ano ang ibig sabihin ng pagiging lalaki at babae para sa kanila. Hindi lang tayo nakikipag-usap sa kanila patungkol sa Diyos; ipinapakita natin ang buhay kapag malapit sa Diyos na may pagsisisi at tiwala. Kapag nabigo tayo, itinuturo natin si Jesus bilang isang perpektong anak, ang tunay na sangkatauhan. 


Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Making Space

Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyo...

More

Nais naming pasalamatan ang LifeWay sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa: https://www.lifeway.com/en/product-family/making-space?vid=makingspace

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya