Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggawa ng EspasyoHalimbawa

Making Space

ARAW 4 NG 8

Salita at Panalangin


Kapag binabasa natin ang Biblia, hinahanap natin ang Diyos. Kapag nananalangin tayo, pinapakinggan natin ang Diyos. Ang pag-aaral ng Biblia ay hindi patungkol sa pagtuklas ng manwal ng gumagamit para sa buhay ngunit para hanapin at unawain mismo ang Panginoon. Katulad nalang din, ang panalangin ay hindi nagtitindang makina o pangungunsulta. Tuwing nakikilahok tayo sa Biblia at panalangin, dinadala natin ang ating buhay sa Diyos upang tanggapin Siya.


Sa Mga Kawikaan 2:1, tinawag tayo ng Diyos na "Aking anak," kinuha ang posisyon bilang Ama. Ang Diyos ay ating Ama na kumakausap sa atin, pinapahalagahan ang ating mga buhay, at malayang nagbibigay ng ng karunungan. Ang Diyos ay maraming alam, ating kayamanan, at ating kalasag. 


Tuwing binabasa nating ang ating Biblia at nananalangin, tinitignan din natin upang makita at maunawaan ang mga gawa ng Diyos, buhay ng Diyos, at mga ginawa ng Diyos sa mundong ito. Kung kaya, kinakausap natin ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin, "Ano ang Iyong ginawa, at ano ang ginagawa Mo?"


Sa talagang ito makikita natin na nagbibigay ng mga kautusan ang Diyos, nangungusap, nagbibigay ng pang-unawa, nagpo-protekta sa atin, nagbibigay ng saganang karunungan, at binabantayan tayo. Ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili at bukas-palad na nangungusap sa lahat ng dako ng ating mga buhay upang maghatid ng karunungan at pang-unawa na makakabuti sa ating mga kaluluwa.


Ikaw ay anak ng Diyos. Kay Cristo ikaw at protektado, gwardyado, itinataas, at lugar na tirahan ng karunungan. Anak ka Niya, hindi dahil ginawa mo ang buong husay mo ngunit dahil ang Diyos ang Ama. Protektado ka, hindi dahil ginawardyahan mo ang iyong sarili ngunit dahil ang Diyos ang iyong kalasag. Ang pagkakakilanlan mo ay naka-ugat sa Kanyang pagkakakilanlan.


Narito ang iilang mga implikasyon sa talatang ito. Tinawag tayo upang tanggapin ang mga salita ng Diyos, magbigay ng atensyon, tumawag sa Kanya, itaas ang ating mga boses sa Kanya, hanapin Siya ng tulad sa kayamanan, unawain Siya, hanapin ang kaalaman, tumanggap ng karunungan, at unawain ang hustisya. Karamihan sa mga implikasyon na ito ay nanlilinlang sa mga pag-uudyok at mga paraan sa kung saan ay lumalapit tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia at panalangin. 


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Making Space

Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyo...

More

Nais naming pasalamatan ang LifeWay sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa: https://www.lifeway.com/en/product-family/making-space?vid=makingspace

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya