Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggawa ng EspasyoHalimbawa

Making Space

ARAW 8 NG 8

Mabuting Pakikitungo 


Ang mabuting pakikitungo ay naggagawa ng espasyo para sa ibang tao upang makasama natin at mapasali sa ating komunidaad - para maging sa kung sino talaga sila at maging katulad ni Cristo. Sa Banal na Kasulatan, ang mga estranghero ay ang mga namumuhay sa lipunan maliban sa sarili nila. Saan man sa mundo ang estranghero ay isinasalin sa salitang "mga dayuhan," "aliens," at "mga naninirahan." Ang mga estranghero ay ang mga tao na hindi pa bahagi ng ating komunidad. Ang mabuting pakikitungo ang nangangahulugan ng pagbibigay espasyo sa mga estranghero.


Sa Leviticus, inutos ng Diyos na ituring ang mga estranghero ng may mabuting pakikitungo. Maraming beses itong inutos, nagumpisa sa wag silang imaltrato, hanggang sa itrato sila na para bang kabahagi sila, at sa huli ay mahalin sila na parang sa atin. Ang utos ng Diyos ay ang mahalin ang mga taga labas o mga estranghero tulad ng kung paano natin mahalin ang ating mga pamilya.


Gayun din, isaalang-alang ang katuruan ni Jesus na mahalin ang ating mga kapit-bahay s Luke 10:25-37. Sa talatang ito tinanong ng isang eksperto sa batas si Jesus, "Sino ang aking kapit-bahay?" (v. 29). Sumagot si Jesus sa pamamagitan ng talinhaga ng mabuting Samaritanan bilang larawan kung paano mahalin ang iba tulad ng sa ating pamilya. Sa pamamagitan ng talinhaga na ito naging malinaw na ang ating kabit-bahay ay kahit sino, lalong lalo na ang lahat ng nangangailangan ng Mabuting Balita.


Habang kinukwento ni Jesus ang talinhaga na ito, kinukwento Niya ang Kanyan istorya. Ang istorya kung paano niya pinasok ang mundo ng paghihirap ng tao, sakit, at kasalanan na iniiwan tayong walang buhay. Ang istorya kung paano Niya tayo binuhat, dinala sa ligtas na lugar, binayaran ang ating mga utang, at pinagaling ang ating mga sugat. Ang mabuting pakikitungo at pagmamahal sa mga estranghero ay nasa sentro ng pamumuhay ng tama dahil sumesentro ito sa layunin ang kagustuhan ni Cristo. Ito ang magdadala sa atin sa pangatlong aspeto ng mabuting pakikitungo: magmahal tulad ng pagmamahal sa iyo. 


 


Kung ikaw ay interesado na matutunan pa ang patungko sa Paggawa ng Espasyo Pag-aaral ng Biblia, maaring pindutin dito.


Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Making Space

Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyo...

More

Nais naming pasalamatan ang LifeWay sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa: https://www.lifeway.com/en/product-family/making-space?vid=makingspace

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya