Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggawa ng EspasyoHalimbawa

Making Space

ARAW 2 NG 8

Pera at Hanapbuhay


Tuwing tila ba maliit ang Diyos, humihiga tayo sa kama sa gabi at iniisip kung sino ang magbibigay sa atin kinabukasan. Ang Diyos na walang kabuluhan ay nagdudulot ng takot, pagkabalisa, at kawalan ng kapanatagan dahil kahit na pa ang Diyos na 'yon ay may malasakit, wala Siyang ibang magagawa; kailangan natin maglaan para sa ating mga sarili. Kailangan natin mag-imbak ng pera para sa sarili nating kapakanan.


Tuwing tila ba maliit ang Diyos, pakiramdam ko ay napaka laki ko. Ang pinaliit na Diyos ang nagpapahintulot sa ating sarili na makaramdam ng pagiging importante. "Tignan mo kung anong kaya kong gawin! Kita mo kung ano ang nagawa ko! Tignan mo kung gaano ako ka-importante!" Tuwing tila ba maliit ang Diyos, nagiging sentro ka ng kalawakan, at ikaw ang nagiging tao na dapat sambahin ng lahat. Habang hindi natin sinasabi ang mga bagay na ito na malakas, sinasabuhay natin ito sa kung paano natin naiuugnay ang ating pananalapi at ating trabaho.


Ang maliitin ang Diyos ay kahangalan, sinabi sa atin ng manunulat ng Mga Kawikaan, dahil hindi ito nagpapakita ng takot sa Diyos. Malaki ang Diyos. May bigat ang Diyos, mabuti ang Diyos.


Paano napatunayan ng Diyos na Siya ay malaki at mapag-kakatiwalaan? Magkaroon ng kaisipan na ganito sa iyong sarili, kung ano ang para sa'yo sa pamamagitan ni Cristo Jesus, habang binabasa mo ang Philippians 2:6-11.


Pinangunahan ni Jesus, tinanggap ang responsibilidad, at tinapos ang trabaho. Napaka-laking kayaman na meron tayo kay Cristo! Si Jesus ay personipikasyon hindi lamang ng karunungan ng trabaho ngunit gayun din ng karunungan ngg kayamanan. Isinuko ni Cristo ang langit para sa atin! Ibinigay Niya ang Kanyang buong sarili, sinaid ang Sarili. Ganun dapat natin ipagpatuloy ang karunungan sa ating hanapbuhay at pera.


Sa kulturang dala ng paghihimok na mapatunayan at magkaron ng kahalagahan, ginawa tayo ni Jesus na tagapag-tanggap ng Kanyang trabaho at regalo. Kay Cristo tayo ay may halaga hindi dahil sa ginawa natin kundi dahil sa kung ano ang ginawa Niya para sa atin.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Making Space

Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyo...

More

Nais naming pasalamatan ang LifeWay sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa: https://www.lifeway.com/en/product-family/making-space?vid=makingspace

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya