Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggawa ng EspasyoHalimbawa

Making Space

ARAW 5 NG 8

Puso


Kapag hindi natin natutunan kung paano dalhin ang ating mga puso sa Diyos at totoong suriin kung ano nga ba ang nangyayari sa ating kalooban, sinasarado natin ang ating mga sarili sa bawat isa at sa Diyos. Titigil tayong mahalin ang bawat isa. Isa sa pinaka-malaking hamon sa iglesia ngayon sa Amerika ay hindi na tayo nagbibigay ng atensyon sa ating mga puso. Madalas ay nakukuntento tayo na lumakad pasulong ng may maayos, kongkretong teolohiya ng hindi nagbibigay ng atensyon sa kondisyon ng ating mga puso. Dahil dito, namumuhay tayo ng nakahiwalay ng may kumakalat na sugat.


Hindi tayo labas-pasok na mga tao pero mga kabaliktaran. Kapag nararamdaman natin na tila ba may mali sa atin, karamihan sa atin ay sinusubukan ayusin ang problema sa pamamagitan ng paggawa. Pinapalitan natin ang ating mga iskedyul. Sinasabi natin sa ating mga sarili na kakain na tayo ng maayos, mas mag-eehersisyo, o maglalaan ng maraming oras sa ating mga telepono. Ngunit ang problema ay wala sa mga iyon; ang problema ay ang ating mga puso. Hindi na maganda ang kanilang pakiramdam at nangangailangan ng tulong ng Diyos. Hindi natin mababago ang ating mga puso sa pag-babago ng ating mga ugali; kailangan natin ng transpormasyon ng ating mga puso.


Imposible ang magkaroon ng malinis na puso nang walang pagbabagong-anyo ng Ebanghelyo. Kailangan pumunta ng Diyos sa atin at gawin tayong bago. Kailangan natin suriin ang ating mga puso at imbitahan ang Banal na Espiritu na patuloy tayong baguhin. Ang Ebanghelyo ay hindi lang sa oras na naniwala tayo. Kailangan nating ang Ebanghelyo sa bawat segundo ng ating buhay. Ang ang mga puso ay nagagawang baguhin ng Banal na Espiritu sa oras na naniwala tayo; nababago sila habang tinutuloy nating ang Espiritu araw-araw. 


Kapag hindi ka naghinay-hinay at magsabing, "Panginoon, gumawa ka sa aking puso, ihayag kung ano ang pinaniniwalaa ko; ihayag kung ano ang iniisip ko; ihayag kung ano ang nais ko; ihayag kung ano ang kulang sa akin," patuloy kang tatakbo palayo sa iyong puso. Ganun pa man, ang puso mo ang nagpapatakbo sa lahat ng iyong ginagawa. Kapag nagpatuloy ito ng hindi nasusuri, mawawala ang iyong buhay sa paghabol sa mga bagay na hindi mo naiintindihan. Mapapagod ka. Mapapagod ang iyong kaluluwa. 


Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Making Space

Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyo...

More

Nais naming pasalamatan ang LifeWay sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa: https://www.lifeway.com/en/product-family/making-space?vid=makingspace

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya