Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggawa ng EspasyoHalimbawa

Making Space

ARAW 3 NG 8

Pahinga


Ang iba sa atin ay hindi nag-papahinga dahil natin napag-tatanto na ang Araw ng Pahinga ay hindi araw; ito ay isang tao. Ang Araw ng Pahinga ay si Jesus. Siya ang iyong pahinga. Pag-aralan na magpahinga sa Kanyang mga gawa sa pamamagitan mo. Ang mga trabaho ni Jesus ay perperkto dahil nagpahinga Siya sa buong oras na nag-trabaho Siya noong nabubuhay Siya sa mundo. Nagpahinga Siya sa kung ano ang sinabi ng Ama patungkol sa Kanya.


Walang ginawang trabaho si Jesus para lang maging katanggap-tanggap. Ginawa ni Jesus ang lahat ng kanyang trabaho dahilSiya ay tinanggap. Gusto Niyang pumasok ka sa pahinga sa pamamagitan ng pagpapatibay na mahal ka ng Ama kay Jesu-Cristo, na namatay para sa pagpapatawad ng iyong mga kasalanan, kasama ang lahat ng paraan na nagsinungaling ka ng walang pahinga at napunta sa mga maling lugar upang mamahinga. Namatay si Jesus para makapahinga ka sa Kanyang mga ginawa sa ngalan mo, ang pagkakilala sa Ama ay nagsasabi sa iyo kay Jesus, "Ito ang minamahal Kong anak, kung kanino Ako ay nasisiyahan."


Napaka-raming nagawa ni Jesus sa iyong buhay at kaluluwa na higit pa sa kaya mong statehiya, plano, o mapag-gagawan. Maglaan ng oras upang magpahinga sa katotohanan.


Ang pinaka malalim na pangangailangan sa puso ng mga tao ay ang magkaroon ng kapahingahan kasama ang Diyos. Ang pahinga na ninanais natin ay ibinigay na sa atin sa pamamagitan ng pambawing kapangyarihan ng Ebanghelyo. Itinaguyod ka ng Diyos sa bagong-buhay sa pamamagitan ni Jesus at iniupo sa kanyang kanang kamay. (tignan ang Eph. 2:1-10). Ikaw ay nabubuhay ngayon at magpakailanman kay Cristo. Sa makatuwid, si Jesus ay ang naging iyong pahinga (tignan ang Heb. 4:9-10). Salmo 126 ay maaari mong maging panalangin at iyong awit sapagkat ang iyong kaluluwa ay may pahinga kasama ang Diyos.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Making Space

Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyo...

More

Nais naming pasalamatan ang LifeWay sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa: https://www.lifeway.com/en/product-family/making-space?vid=makingspace

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya