YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 32 OF 40

Araw 32: Kaya Nating Magtagumpay!

Ni Henry Mills (Si Henry ay nagsisilbi sa Great Commission Movement ng Ghana bilang National Student Led Movement leader.)

“Kahit na ang bayan ay tinakot ng ibang kasama natin, buong katapatan pa rin akong sumunod kay Yahweh na ating Diyos.”

—Josue 14:8

Ang talatang ito ay sumasalamin sa buong pusong debosyon ni Caleb sa Diyos sa kanyang buong buhay. Sa Mga Bilang 13, isinugo ni Moises, sa utos ng Diyos, ang mga pinuno mula sa 12 tribo upang suriin ang lupang pangako ng Canaan. Pare-pareho nilang natanggap ang mga tagubilin: upang tuklasin ang lupa at magbalik ng ulat na maghahanda sa mga Israelita upang sakupin ang lupang ipinangako ng Diyos sa kanila. Gayunpaman, ang ulat na dinala ng sampung pinuno ay puno ng takot at pagdududa, na nagdulot ng pagluha at pagkadismaya sa buong komunidad.

Ngunit si Caleb, isang batang lider noon, ay nagpakita ng kahanga-hangang tiwala at tapang. Habang ang mga tao ay tinatablan ng takot, buong tapang na sinubukan ni Caleb na kalmahin sila. “Tara, at agad nating sakupin ang lupa,” sabi niya. “Tiyak na magtatagumpay tayo!” (Mga Bilang 13:30). Ang tiwala ni Caleb ay hindi sa kanyang sariling lakas kundi sa mga pangako ng Diyos, na ipinapaalala ang tipan na ginawa ng Diyos kay Abraham. Sa kabila ng oposisyon at takot sa kanyang paligid, nanindigan si Caleb at pinili ang buong pusong pagsunod sa Panginoon.

Lumipas ang panahon, at sa edad na 85, humarap si Caleb kay Josue at muling pinagtibay ang kanyang buong pusong debosyon sa Diyos. Sa Josue 14:10–11, inihayag ni Caleb, “ang lakas ko mula nang ako'y isugo ni Moises upang siyasatin ang lupaing ito. Kaya ko pang makipaglaban at gawin ang kahit anong trabaho.” Ito ay hindi lamang pisikal na lakas kundi isang patotoo sa kanyang espirituwal na tibay at pananampalataya sa Diyos.

Gayundin, sinabi ni Prof. Dela (Global Vice President ng Cru) bilang parangal kay Steve Douglass, “Sa aking mga 60s, naisip kong magpahinga sa ministeryo, ngunit pinaalalahanan ako ni Steve na mamamatay tayo nang nakasuot ang ating mga bota.” Ang buhay ni Caleb ay hamon sa parehong kabataang estudyante at matatanda upang buong pusong sundin ang Panginoon nating Diyos.

Ngayon, nagsusumikap tayo na magtayo ng mga kilusan ng mga estudyante na binago ng Espiritu at ipinadala bilang mga lifelong disciplemakers na makakaapekto sa bawat larangan ng lipunan at sa buong mundo para kay Cristo. Nawa ay magsilbing inspirasyon sa atin ang buong pusong debosyon ni Caleb! Magkaroon tayo ng dedikasyon na sundin ang Panginoon ng walang alinlangan, na tiwala na ang Kanyang mga pangako ay totoo at matatag. Kahit bata o matanda, magpatuloy tayo ng may lakas, tapang, at hindi matitinag na pananampalataya, na nagsasabi tulad ni Caleb, “Tiyak na kaya nating magtagumpay!”

PUNTO NG PANALANGIN:

Manalangin para sa kabataang henerasyon, lalo na sa mga estudyante sa kolehiyo, na magcommit na buong pusong sundin ang Panginoon, manatiling nakatanim sa Kanyang Salita, at tumindig ng matatag sa kanilang pananampalataya sa kabila ng mga hamon ng buhay.

Manalangin para sa isang paggising sa mga Kristiyanong estudyante upang buong tapang na sakupin ang bawat campus para kay Cristo at para sa mga breakthroughs sa pag-abot sa mga most spiritually resistant campus sa buong mundo.

Manalangin na madiskubre ng mga estudyante ang layunin ng Diyos para sa kanilang buhay, lumago sa kanilang pananampalataya, at magningning bilang mga ilaw sa kanilang mga campus, naghahanda upang makaapekto sa bawat larangan ng lipunan at bawat bansa para kay Cristo.

Scripture

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More