YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 31 OF 40

Araw 31: Ang Dalawang Mukha ng Pagbabalik-loob

Ni David Smithers (Si David ay nagsisilbing host facilitator sa Riverside Prayer Ranch at pastor/guro sa Christian Assembly sa Pomona, California.)

“Muling magkakasundo ang mga ama at ang mga anak. Kung hindi'y mapipilitan akong magtungo riyan at ganap na wasakin ang inyong bayan.”

—Malakias 4:6

Kapag nais ng Diyos na gisingin ang isang natutulog na simbahan at iligtas ang isang nawawalang mundo, gustong-gusto Niyang gamitin ang mas batang henerasyon! Sa buong mga siglo, paulit-ulit na itinaas ng Diyos ang mga mapagpakumbaba at hindi gaanong may karanasan sa atin upang magawa ang Kanyang mga pinakamalalaking gawain. Karamihan sa mga dakilang revivalists at misyonaryo sa buong kasaysayan ay mga kabataang lalaki at babae sa kanilang 20s. Ang mga bagong hamon at pagbabago ay kadalasang nangangailangan ng lakas ng isang bagong henerasyon ng mga revival pioneers.

Gayunpaman, ang pagbabalik-loob ay hindi lamang tungkol sa isang grupo o henerasyon. Ang maingat na pagsusuri ng kasaysayan ng Iglesia ay nagpapakita na ang mga pangako sa Joel 2 ay palaging natutupad sa bawat dakilang pagbabalik-loob: “Pagkatapos nito, ipagkakaloob ko ang aking Espiritu[a] sa lahat ng tao:

ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki't babae ang aking mga mensahe.

Magkakaroon ng mga panaginip ang inyong matatandang lalaki,

at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.

Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu

maging sa mga alipin, lalaki man o babae.” (Joel 2:28–29).

Oo, may dalawang magkaibang mukha ng pagbabalik-loob—dalawang henerasyon na nagtutulungan upang magdasal at maghanda ng daan para sa isang bagong pagbisita ng Diyos. Tulad ng pagkakaibigan ng tipan nina Ruth at Naomi o ang nagkakaisang pananampalataya nina Elizabeth at ng birheng Maria, gustong-gusto ng Diyos na ipanganak ang pagbabalik-loob sa pamamagitan ng pagsasama ng magkakaibang henerasyon. Ang paborito kong halimbawa ay ang multi-generational na pakikipagtulungan na matatagpuan sa Exodo 17:8-15. Ang mga Amalekita ay nagbabanta sa mga anak ni Israel, at tinawag ni Moises ang batang lider na si Josue upang magtipon ng isang hukbo upang talunin ang mga kaaway ng Diyos. Ito ang unang pagkakataon na binanggit si Josue sa Kasulatan. Magpapatuloy siyang magtamo ng mga tagumpay sa mga digmaan ng pananampalataya at sa huli ay magiging kahalili ni Moises.

Karamihan sa atin ay alam ang kuwento ni Moises at ng mas matandang henerasyon na umaakyat sa tuktok ng bundok upang magbantay at magdasal para kay Josue at ang kanyang hukbo habang sila ay nakikipaglaban sa lambak sa ibaba. Hindi nagtagal, habang ang mga kamay ni Moises sa panalangin ay humihina, ang mga Amalekita ay lumakas at nagtagumpay laban kay Josue. Ngunit sa tulong nina Aaron at Hur, nagpatuloy si Moises sa panalangin hanggang sa magtagumpay si Josue at ang kanyang batang hukbo laban sa kanilang mga kaaway.

Ito ang kayang gawin ng nagkakaisa at nakatutok na panalangin! Ito ang dahilan kung bakit ang mas batang henerasyon ay nangangailangan ng masigasig na panalangin ng kanilang mga ama, ina, mga lolo’t lola, at mga pinuno ng simbahan. Ang tagumpay ng isang henerasyon ay nakatali sa pananampalataya at panalangin ng ibang henerasyon. Ang Kaharian ng Diyos ay isinusulong mula sa isang henerasyon patungo sa susunod na henerasyon. Kailangan natin ang mga panalangin ng isa’t isa upang magtagumpay. Ang tunay na pamilya ay ang pinakamainam na paraan upang magtagumpay ang tunay na pagbabalik-loob.

PUNTO NG PANALANGIN:

Hilingin sa Diyos na matulungan kang makilala ang iyong pangangailangan para sa mga kaloob at pananaw ng iba.

Hilingin sa Diyos na matulungan kang magplano at kumilos tulad ng isang tunay na pamilya.

Hilingin ang tulong at panalangin ng iyong mga ama at ina.

MGA HAKBANG PATUNGO SA PAGKAKA-ISA NG MGA HENERASYON ni Vicky Porterfield (Si Vicky ay isang prayer leader sa Austin, Texas at nagsisilbing espirituwal na ina at matagal nang tagapanalangin para sa mga estudyante sa kolehiyo)

Habang tayo ay nagdarasal at humihiling sa Panginoon ng isang pagbisita ni Jesus, tandaan natin na kinakailangan tayong lahat. Ang matanda at bata ay dapat magkahawak-kamay habang ang mga lalaki at babae ay magkasamang humihiling na ang Diyos ay dumating sa isang makapangyarihang paraan. Nais nating maranasan ang kaluwalhatian ng Diyos sa ating kalagitnaan, kaya dapat lumampas tayo sa sarili nating grupo at sumama sa iba na hindi natin katulad. Hawakan ang iyong mga magulang at ang kanilang mga panalangin para sa iyo. Magtiwala sa Diyos kasama ang mga nagdasal ng mga dekada tulad ni Anna sa templo. Magka-isa para sa pagdating ng Panginoon!

● Hilingin sa Panginoon na magbigay ng isang tao mula sa ibang henerasyon na maging iyong espirituwal na magulang o anak. Pagkatapos, lapitan siya o sila at magtanong para sa isang oras ng pagtitipon at panalangin nang magkasama.

● Tumawag ng isang magulang o anak at magkasundong na si Jesus Cristo ay dumating na at nais gumawa ng mga himala sa ating kalagitnaan. Pagsamahin ang inyong pananampalataya habang nagdarasal para sa pagbabalik-loob at paggising ng inyong mga kaibigan. (Tandaan: karamihan sa mga magulang at lolo’t lola ay nagnanais na dumating ang araw na makapagdasal sila kasama kayo. Asahan na matututo kayong magkasama.)

Patuloy na pagpalain ang mga kabataan at matatandang Kristiyano na nagmamahal kay Jesus tulad ng ginagawa mo.

Scripture

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More