YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 13 OF 40

Day 13: Nilalang para sa Layunin ng Diyos

Ni Seth S. Kim (Si Seth ay ang co-founder at vice-president ng Arise Asia, na naglalayong hamunin ang mga kabataan na "pumunta kung saan wala pang ebanghelyo" at nakabase sa Hong Kong.)

"Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos para sa kanyang kapanahunan, siya'y namatay at inilibing sa piling ng kanyang mga ninuno, at siya'y dumanas ng pagkabulok."

— Gawa 13:36

Kapag gumigising ka tuwing umaga, nararamdaman mo bang may layunin ka? Nasisiyahan ka ba sa bagong araw upang mabuhay ayon sa iyong pagkatawag? Sa totoo lang, marami sa atin ang hindi nararamdaman ang matinding layunin. Isa sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng layunin ay hindi natin alam ang layunin ng Diyos. Napapalabis natin ang pagtutok sa ating sarili sa halip na sa Diyos sa paghanap ng layunin. Kailangang magsimula ito sa pagtatanong, "Ano ang nasa puso ng Diyos at ano ang Kanyang ginagawa sa buong mundo?"

Dapat nating tandaan na tayo ay nilikha ng Diyos para sa isang layunin upang maisakatuparan natin ang Kanyang layunin. Ang nais lamang ng Diyos ay mahalin natin Siya at ang iba pa upang makagawa tayo ng mga alagad sa lahat ng bansa para sa Kanyang kaluwalhatian.

Sa Gawa 13:36, makikita natin sina Pablo at Bernabe sa Antioch ng Pisidia. Ibinahagi ni Pablo ang tungkol kay Haring David at kung paano niya isinakatuparan ang layunin ng Diyos bago siya pumanaw. Narito ang tatlong bagay na dapat tandaan:

Una, lahat tayo ay mamamatay balang araw. Madalas nating nakakalimutan ang ating kamatayan. Kapag naaalala natin ito, maitutuwid natin ang ating buhay upang mabuhay bawat araw nang may higit na layunin. Sinasabi sa Awit 39:4, "Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay,kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay."

Ikalawa, kailangan nating mabuhay upang maglingkod sa layunin ng Diyos. Nilikha tayo ng Diyos upang mabuhay para sa Kanya at maglingkod sa Kanya. Sinasabi sa Efeso 2:10, "Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin." Kapag nabubuhay tayo para sa sarili, magugulo tayo at mawawalan ng pananaw sa mas mataas na layunin.

Ikatlo, tayo ay may pananagutan sa pag-abot sa ating henerasyon. Tayong lahat ay haharap sa Diyos at magbibigay-sulit sa ating ginawa sa ating buhay. Isinakatuparan ni Haring David ang layunin ng Diyos sa kanyang sariling henerasyon bago siya namatay. Si David ay hindi responsable para sa henerasyon ng kanyang anak, ngunit kailangan niyang magbigay-sulit sa kanyang sariling henerasyon habang nabubuhay para sa Diyos. Sa parehong paraan, nakita natin si Moises na naglingkod sa kanyang henerasyon at pagkatapos ay pinalakas si Josue upang maglingkod sa kanyang sariling henerasyon sa pamamagitan ng pangunguna sa bayan ng Diyos patungo sa lupang pangako.

Sa kasaysayan, patuloy na nagpapalakas ang Diyos ng bagong henerasyon ng mga taong magmamahal at maglilingkod sa Kanya. Ano ang ginagawa mo para sa iyong henerasyon? Posible kayang ikaw ay itinatayo ng Diyos sa iyong henerasyon upang maisakatuparan ang Kanyang mas mataas na layunin?

MGA PUNTONG PANALANGIN:

Manalangin na magkaroon ng matibay na pagpapasya na tuparin ang layunin ng Diyos (Kawikaan 19:21; Isaias 46:10).

Manalangin na maging tumutugon sa katuparan ng Dakilang Tagubilin ng Diyos (Mateo 28:19-20; Gawa 1:8).

Manalangin na maging responsable sa pag-abot sa iyong henerasyon (Awit 145:4; Josue 1:1-9).

Scripture

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More