Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Day 14: Yakapin ang Plano ng Diyos para sa Susunod na Henerasyon
Ni Tonya Prewett (Si Tonya ang tagapagtatag at tagapagbuo ng pangitain ng Unite US.)
"Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa."
— Jeremias 29:11
Sa kasalukuyang panahon, ang Gen Z ay humaharap sa napakaraming hamon: akademikong pangangailangan, impluwensya ng social media, mga isyu sa pagkakakilanlan, at bigat ng mga hamon sa mental health. Para sa maraming mag-aaral sa kolehiyo, ang buhay ay tila magulo at walang direksyon. Naranasan ko ito habang gumagabay sa mga estudyante sa Auburn University. Ngunit kahit sa gitna ng ingay ng mundo, tinatawag ng Diyos ang Gen Z upang bumangon nang may kalinawan, layunin, at kapangyarihan. Tinitiyak ng Kanyang Salita na may plano Siya para sa bawat isa—mga planong ikabubuti, magbibigay ng pag-asa, at magdadala sa atin sa maliwanag na hinaharap.
Para sa atin na nananalangin para sa susunod na henerasyon, madali tayong mapanghinaan ng loob dahil sa mga hamon na kanilang kinakaharap. Ngunit kailangan din nating manindigan sa pananampalataya. Hindi sila pinabayaan ng Diyos; kumikilos Siya sa henerasyong ito nang higit pa kailanman. Ang susunod na henerasyon ay hindi nawawala. Sila ay inilalagay para sa revival!
Mahalagang tayo, bilang mga mananampalataya, ay makinig sa puso ng Diyos at manalangin na maipahayag ang layunin at pagkakakilanlan sa kanilang mga buhay. Habang nahihirapan ang Gen Z na makahanap ng kahulugan, kailangang malaman nila na sila’y lubos na minamahal ng Diyos at may natatangi at mahalagang tawag para sa bawat isa na kayang baguhin ang mundo.
Inaanyayahan tayo ng Diyos na taimtim na ipanalangin ang mga kabataan ngayon na maranasan ang Kanyang puso at revival na magdadala sa kanila sa kaganapan ng Kanyang layunin. Ang ating panalangin ay hindi lamang para sa kanilang tagumpay sa akademya o personal na kagalingan kundi para sa malalim na koneksyon kay Jesu-Cristo kung saan matatagpuan nila ang tunay na pagkakakilanlan, kalayaan, at direksyon.
Habang nananalangin tayo para sa henerasyong ito, alalahanin nating ang pinakamalaking revival sa ating bansa ay darating sa pamamagitan ng mga kabataang ating itinataas ngayon. Magpatuloy tayo, manatiling tapat, at maniwalang gagamitin sila ng Diyos nang makapangyarihan para sa Kanyang Kaharian.
MGA PUNTONG PANALANGIN:
Manalangin para sa personal na revival: Panginoon, gisingin ang mga puso ng susunod na henerasyon upang makilala Ka nang malaliman. Nawa’y maranasan nila ang kapangyarihan ng Iyong presensya (Jeremias 29:13).
Manalangin para sa layunin at kalinawan: Ama, ipahayag Mo sa bawat kabataan ang layuning itinakda Mo para sa kanila. Tulungan Mo silang makita ang kanilang sarili ayon sa Iyong nakikita at magtiwala sa mga plano Mo para sa kanilang buhay (Efeso 2:10).
Manalangin para sa tapang at pananampalataya: Panginoon, palakasin Mo ang Iyong Iglesia upang manindigang matatag sa panalangin para sa susunod na henerasyon. Nawa’y maging matapang kami sa pananalangin para sa kanila at sa pakikibahagi sa Dakilang Tagubilin (Roma 15:13).
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

Talking to God: A Guilt Free Guide to Prayer

Living by Faith: A Study Into Romans

Uncharted - Navigating the Unknown With a Trusted God

I Don't Even Like Women

Filled, Flourishing and Forward

How Jesus Changed Everything

The Otherness of God

When It Feels Like Something Is Missing

Trusting God in the Unexpected
