YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 17 OF 40

Araw 17: Paunang Kinakailangan para sa Revival at Spiritual Awakening

Ni Dr. Bob Bakke (Si Bob ay bahagi ng executive leadership ng OneCry. Siya ang producer ng Collegiate Day of Prayer broadcast, isang may-akdang tagapagsalita, at dati ay senior pastor ng tatlong simbahan at executive director ng Evangelical Free Church of America.)

“Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.
– Zacarias 4:6

Noong mga unang taon ng 1830, dalawang mang-uukit ng kahoy ang naniwala kay Kristo sa pangangaral ni Charles Finney sa Philadelphia. Hindi alam ni Finney, ang mga mang-uukit ng kahoy ay bumalik sa kanilang tahanan sa kabundukan ng Pennsylvania. Ang kanilang rehiyon ay walang mga simbahan o mga mananampalataya, halos walang Bibliya, at, marahil, kakaunti lamang ang marunong magbasa.

Pagkalipas ng dalawang taon, nang dumaan si Finney sa silangang bahagi ng Delaware River at magsagawa ng mga pagpupulong sa bayan ng Camden, NJ, ang dalawang mang-uukit ng kahoy ay lumabas mula sa kabundukan upang ikuwento kay Finney ang pinakamaka-bighaning kuwento na kanyang narinig. Hindi alam kung anong gagawin sa kanilang bagong pananampalataya, bumalik ang mga mang-uukit ng kahoy sa kanilang kampo at ipinamalas ang mga bagay na natutunan nila mula kay Finney. Nagbasa sila ng Bibliya at nanalangin. Habang ang maliit na grupong ito ay nag-pursige sa Diyos, ang grupo ay lumago kasabay ng paglago ng presensya ng Diyos. Sa loob ng dalawang taon, na may sakop na 80 milya kuwadrado, 5,000 tao ang naging Kristiyano! Kaya, nang bumalik si Finney sa rehiyon, ang mga mang-uukit ng kahoy ay iniwan ang kagubatan upang humiling kay Dr. Finney na magpadala ng isang tao upang disipuluhin ang mga bagong Kristiyano at magtayo ng mga simbahan.

Ang nakakagulat na patotoong ito ay nagpapaalala sa atin kung paano gumagana ang Kaharian: “‘Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.” (Zacarias 4:6). Ipinapahayag nito ang mga aral ng Ezekiel 37 nang ipinakita ng Diyos ang Kanyang pangako na buhayin ang Kanyang mga bihag sa pamamagitan ng isang pangitain. Nakatayo si Ezekiel sa harap ng isang lambak ng mga tuyong buto, at inutusan ng Diyos si Ezekiel na manghula ng Kanyang pangako ng pagkabuhay sa mga buto: “Sinabi niya sa akin, 'Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh.'” (v. 5). Ngunit bago mabuhay ang mga patay, inutusan ng Diyos si Ezekiel ng pangalawang pagkakataon: “Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Ezekiel, anak ng tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinapasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay.'” (v. 9).

Ang resulta? “Nagpahayag nga ako at ang hangin ay pumasok sa kanila. Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila'y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo.” (v. 10). Ang buhay ay gawain ng Espiritu, at ang panalangin ay nag-aanyaya sa Espiritu upang magbigay ng kaluwalhatian sa langit.

Kaya, habang tayo’y nagdadasal para sa mga campus ngayon—kung tayo man ay personal na itinuturing ang ating sarili bilang mga manggagawa o mga propeta—ang ating pamamaraan ay pareho ng dati. Sa pamamagitan ng awtoridad ng ating Muling Nabuhay na Kristo, na nag-uutos sa atin na “magdasal at huwag mawalan ng pag-asa” at “humingi [at patuloy na humingi],” tinatawag natin ang hangin—ang Kanyang Espiritu ng Buhay at Pagka-banal—na tanging Siya lamang ang makapagbibigay ng buhay kung saan wala at mga panahon ng pagpapalakas kung saan ito'y nawawala.

Scripture

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More