YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 16 OF 40

Day 16: Isang Mapanalanging Henerasyon

Ni Dr. Glenn Sheppard (Si Glenn ay pangulo ng International Prayer Ministries, isa sa mga nagtatag ng National Prayer Committee, at naglingkod bilang Senior Associate for Prayer para sa The Lausanne Committee for World Evangelization.)

“Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin...”

— Lucas 11:1

Sa The Necessity of Prayer, sinabi ni E.M. Bounds, “Ang panalangin ay ang pakikipag-ugnayan ng isang buhay na kaluluwa sa Diyos. Sa panalangin, yumuyuko ang Diyos upang halikan ang tao, pagpalain siya, at tulungan siya sa lahat ng magagawa ng Diyos o kakailanganin ng tao.” At tulad ng sabi ng iba, “Hindi tayo kailanman tumatayo nang mas matayog kundi sa tuwing tayo’y lumuluhod sa panalangin.”

Nakita ng mga alagad ang kapangyarihan at kahalagahan ng panalangin habang sinusundan nila si Jesus. Bumangon Siya bago magbukang-liwayway upang manalangin. Paminsan-minsan, lumalayo Siya sa kanila upang mapag-isa kasama ang Ama sa panalangin. Sa pag-unawa nila sa halaga ng panalangin sa buhay ni Cristo, nauunawaan kung bakit nila hiniling, “Panginoon, turuan Mo kaming manalangin.”

Sa Gawa 4, si Pedro at Juan ay pinalaya mula sa bilangguan at bumalik sa mga mananampalataya upang sabihin kung ano ang nangyari. Ang mga nananalangin ay nasaksihan ang kamangha-manghang pagkilos ng Diyos bilang tugon sa kanilang panalangin (Gawa 4:31):

- Naranasan nila ang presensya ng Diyos: “ang lugar na kanilang pinagtipunan ay nayanig.”

- Tinanggap nila ang kapangyarihan ng Diyos: “sila’y napuspos ng Banal na Espiritu.”

- Naabot nila ang mga layunin ng Diyos: sila’y “nangaral ng salita ng Diyos nang buong tapang.”

Ang resulta ay isang malawakang pagkilos ng Diyos na nakaapekto sa Imperyong Romano at humubog sa takbo ng kasaysayan ng tao.

MGA PUNTONG PANALANGIN:

“Oh Diyos, pumapasok kami sa Iyong presensya, desperadong nananawagan, ‘Panginoon, gawin Mo itong muli!’”

“Patawarin Mo kami sa paggugol ng mas maraming oras sa paggawa ng mga estratehiya kaysa sa masigasig na pananalangin. Patawarin Mo kami sa paggawa ng mga plano sa aming mga komite at pagkatapos ay hihilingin naming basbasan Mo ang mga ito, sa halip na hanapin ang Iyong banal na plano.”

“Mapagpakumbaba naming kinikilala na kami’y higit na nahubog ng mga pamantayan ng tao kaysa ng sukatan ng langit. Kami’y nagsisisi at lumalapit sa Iyo sa panalangin. Mahal naming Ama sa langit, gamitin Mo ang aming henerasyon tulad ng paggamit Mo sa mga nakaraan!”

“Pag-apuyin Mo ang mga kampus ng Iyong presensya habang kami’y nagpapakumbaba, nananalangin, at tumatalikod sa aming masasamang gawa, upang muling maranasan ang Iyong presensya at nakapagpapagaling na kapangyarihan para sa aming mga campus, aming bansa, at buong mundo.”

Scripture

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More