YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 18 OF 40

Araw 18: Hanapin ang Diyos

Ni Sergey Shidlovskiy (Si Sergey ay ang nagtatag ng internasyonal na misyon ng Kristiyanong "God Seekers Movement," ang pinakamalaking kilusang panalangin ng mga Kristiyano sa mundo ng mga nagsasalita ng Ruso. Si Pastor Sergey ay nakatira sa Estonia kasama ang kanyang pamilya.)

Sinabi niya sa mga taga-Juda, “Patibayin natin ang mga lunsod na ito at paligiran natin ng mga pader na may mga tore at matitibay na pintuan. Sarili natin ang lupain sapagkat umaasa tayo kay Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at sa lahat ng dako'y binigyan niya tayo ng katiwasayan.” Ganoon nga ang kanilang ginawa at sila'y naging maunlad.

—2 Cronica 14:7

Ano ang mga pangarap ng mga tao sa ating panahon? Ang parehong mga pangarap na ipinanganak ng mga tao libu-libong taon na ang nakalipas: kumita ng pera, magtaguyod ng career, magkaimpluwensya sa mundo, maging sikat—at magkaroon ng mabuting kalusugan, masayang pamilya, nagkakaisang lipunan, at mapayapang buhay. Nais din nilang magkaroon ng "mga pader" upang hindi mawala ang mga bagay na kanilang naipundar. Gamit ang ganitong motibasyon, maraming kabataan ang pumupunta sa kolehiyo at unibersidad.

Nagawa ni Haring Asa ang lahat ng mga bagay na ito at ipinakita ang susi sa kasaganaan: Hanapin ang Diyos. Hanapin Siya, at matatagpuan mo ang lahat. Ang higit mong layuan ang Diyos, mas lalo itong lumalala; ang lalapit ka sa Diyos, mas lalong gumaganda. Totoo ito dahil ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala.

Dapat itong maunawaan ng lahat. Ngunit sa pag-unawa sa katotohanang ito, may isang panganib—maaari nating gawing isang kasangkapan lamang ang Diyos upang makamit ang ating mga layunin. Anuman ang iyong pangunahing layunin, iyon din ang magiging diyos mo. Tingnan ang mga salita ni Haring Asa: "...hinanap namin ang Panginoon na aming Diyos, hinanap namin Siya, at binigyan Niya kami…."

May pagkakaiba sa paghahanap ng mga biyaya o paghahanap sa Nagbibigay, ng pagpapagaling o ng Manggagamot, ng pagkabuhay na muli o ng Buhay. Maaari nating hanapin ang Diyos para sa Kanyang mga biyaya o maaari nating hanapin ang Diyos para sa kapakanan ng Diyos. Walang ibang diyos bago Siya. Hanapin ang Diyos para sa kapakanan ng Diyos. Siya ay karapat-dapat!

Kung mayroon tayong lahat ngunit wala ang Diyos, wala tayong anuman. Kung wala tayong anuman kundi ang Diyos, mayroon tayo ng lahat.

Hanapin ang Diyos.

PUNTOS SA PANALANGIN:

Manalangin na ipadala ng Diyos ang isang espiritu ng paghahanap sa Kanya sa lahat ng campus. Walang makakapaghahanap sa Diyos sa kanyang sariling katuwiran kundi sa pamamagitan ng awa ng Diyos. Hanapin Siya upang ang lahat ng kaluwalhatian ay mapunta sa Kanya.

Manalangin na itaas ng Diyos ang mga makabagong Haring Asa: mga pulitiko, arkitekto, negosyante, mga malikhaing tao, siyentipiko, ekonomista, at iba pa na “hahanapin ang Diyos at bibigyan Niya sila ng kapayapaan sa lahat ng panig, at sila’y magtatayo at magtatagumpay.”

Manalangin na “kapayapaan sa lahat ng panig at kasaganaan” ay huwag maging higit na halaga kaysa sa pangunahing halaga—ang Diyos bilang isang Persona. Nawa’y Siya palaging manguna.

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More