Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Di-Mailarawan: 7-Araw na Paglalakbay Patungkol sa Diyos at sa AghamHalimbawa

Indescribable: A 7-Day Journey About God And Science

ARAW 3 NG 7

MAS MABILIS PA SA BILIS NG LIWANAG 

Naisip mo na bang sana ay naroon ka upang makita ang paglikha ng Diyos sa mundo? Ang ibig kong sabihin, gaano kaya kamangha-manghang makita kung paano Niya ginawa ang lahat?

Siguradong kahanga-hanga at kapana-panabik nito. Bakit? Sapagkat nang sinabi ng Diyos na "Magkaroon ng liwanag!" ay hindi lamang ito isang pagpindot sa pangkalahatang liwanag. Hindi! Ito ay higit pa sa pagsabog ng liwanag na hindi kakayanin ng iyong mga mata.

Sinasabi ng Biblia sa Mga Awit 33:6 na ang kalangitan ay nalikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Hiningahan Niya ang sansinukob at ang lahat ng narito. Kaya't nang sinabi ng Diyos na gusto Niya ng liwanag—ang liwanag na iyon ay lumipad mula sa Kanyang bibig sa bilis na 186,000 milya kada segundo! Ganyan kabilis ang paglalakbay ng liwanag, kaya tinatawag natin itong "bilis ng liwanag." Ang liwanag ng Diyos ay gumuhit sa kalangitan, hinabol ang kadiliman, at pinagliwanag ang buong sansinukob sa isang pagliliyab ng makinang na kaluwalhatian.

Isang bagay lang ang mas mabilis sa bilis ng liwanag—at iyan ay ang bilis ng Diyos. Kapag tumatawag ka sa Diyos sa iyong panalangin, nariyan agad Siya upang makinig—at agad-agad Siyang sumasagot. Iyon nga lang, maaaring hindi agad ibigay ng Diyos sa iyo ang Kanyang kasagutan. Kung minsan ay hinihingi Niya sa iyong maghintay, at kung minsan ay hindi ayon sa nais mo ang Kanyang kasagutan. Ngunit makasisigurado kang laging ibibigay ng Diyos sa iyo ang eksakto at tamang sagot—sa tamang sandali at sa tamang pamamaraan. Lagi Siyang gumagawa nang mas mabilis pa sa bilis ng liwanag!

Mamangha!

Ang sansinukob ng Diyos ay napakalaki na hindi ito kayang sukatin sa piye o sa pulgada o maging sa milya. Kailangan nating gumamit ng mas malaking panukat: ang sinag-taon. Ang isang sinag-taon ay—tama ang hula mo—kung gaano kalayo ang nalalakbay ng liwanag sa isang taon, at ito ay 5.88 trilyong milya. Ang ating Milky Way Galaxy ay 100,000 sinag-taon ang laki. At iyan ay isang galaxy lamang sa bilyon-bilyong nilikha ng ating makapangyarihang Diyos!

Panalangin

Diyos ko, ni hindi ko masimulang isipin kung gaano kabilis ang bilis ng liwanag. At ang mabatid kong naririnig mo ang aking panalangin nang mas mabilis pa rito ay nakapagpapamangha sa akin. Maraming salamat, O Diyos, sa iyong paghangos upang makinig sa akin!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Indescribable: A 7-Day Journey About God And Science

Batay sa pambatang debosyonal ni Louie Giglio na Indescribable: 100 Devotions About God & Science, ang babasahing gabay na ito ay tutulong sa mga batang matuklasan ang kamangha-manghang paglikha ng ating di-mailarawang Diyos at ito'y makakatulong sa mga bata at sa mga magulang na matuklasan ang mga kahanga-hangang bagay sa sansinukob kasama ang Manlilikha. Imposibleng mahigitan natin ang imahinasyon ng Diyos. Inaayos Niya ang panahon, lumilikha Siya ng liwanag, at nangungusap Siya ng mga bagay at ang mga ito ay nagkakaroon ng buhay—simula sa pinakamalaking bituin hanggang sa pinakamaliit na isdang-bituin. Ang Diyos ay makapangyarihan, may layunin, personal, walang katulad na Manlilikha. Sinasabi ng Mga Awit 19:1 na, "Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!" Ang pag-aaral na ito ay maaaring gawin ng mga anak kasama ang kanilang mga magulang at ito'y makahihikayat sa paghanga sa pagiging malikhain ng Diyos. 

More

Nais naming pasalamatan ang Passion Publishing sa pagpapaunlak ng babasahing gabay na ito. Para sa karagdagang detalye at mga materyales sa aklat, bisitahin ang: www.louiegiglio.com/indescribable/