Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Di-Mailarawan: 7-Araw na Paglalakbay Patungkol sa Diyos at sa AghamHalimbawa

Indescribable: A 7-Day Journey About God And Science

ARAW 1 NG 7

MGA TUNOG NG KATAHIMIKAN 

Alam mo bang maaari kang may katabi sa kalawakan, sumisigaw nang ubod ng lakas, at hindi ka maririnig ng taong katabi mo? Hindi iyon dalhin sa space helmet na maaaring maging hadlang. Ito ay dahil ang mga boses ay naglalakbay bilang mga sound waves, at ang sound waves ay nangangailangan ng mapaglalakbayan—tulad ng atmospera ng Mundo. Dahil walang atmospera sa kalawakan, walang mapaglalakbayan ang sound waves. Kaya't ang mga astronaut ay nag-uusap gamit ang ibang uri ng wave: ang radio waves, na hindi nangangailangan ng atmospera upang makapaglakbay.

Ngunit hindi kailangan ng Diyos ang sound waves ni ang radio waves upang marinig tayo. Iyan ay dahil ang ating mga panalangin ang nagdadala ng ating mga tinig sa Diyos. Kaya't kung ang Diyos na lumikha ng buong sansinukob ay handang makinig sa anumang kailangan nating sabihin—bakit hindi tayo lalo pang manalangin?

Isang bahagi ng sagot ay madali tayong mawala ang konsentrasyon at ang pagiging abala. Ang kaabalahan sa paaralan, sa simbahan, sa paglalaro, sa pamilya, sa mga kaibigan, at napakarami pang mga bagay na nakakahadlang. Pagkatapos ay nariyan pa ang pakikipag-text at ang mga video games at mga programa sa telebisyon at ang mga pelikula at mga trabaho sa kompyuter. Karaniwan, gumugugol tayo ng halos walong oras sa isang araw na nakatitig sa iba't-ibang uri ng screen, tulad ng TV, kompyuter, o telepono—halos animnapung oras iyan sa isang linggo!

Sa gitna ng lahat ng masasaya, nakakatuwa, at kapana-panabik na mga bagay, tinatawag tayo ng Diyos upang "huminto" (Mga Awit 46:10) at manalangin sa Kanya. Sa pananalangin natin pinupuri ang Diyos sa kung sino Siya, pinasasalamatan Siya sa lahat ng ibinigay Niya sa atin, at humihingi ng ating mga pangangailangan.

Subukan mo sa araw na ito. Humanap ka ng isang espesyal na lugar kung saan maaari kang mag-isa kasama ang Diyos. Sa isang treehouse, sa isang lugar sa iyong silid, o maging sa banyo. Huminto ka, kausapin mo ang Diyos, at pakinggan mo ang Kanyang sagot. At tandaan, ang Diyos ay madalas na nangungusap sa isang marahan at banayad na tinig—kaya't siguraduhing makinig nang mabuti.

Mamangha!

Ang pananalangin ay napakahalaga kaya't si Jesus—ang mismong Anak ng Diyos—ay naglaan ng oras upang manalangin. Tingnan ang ilan sa mga pamamaraan ng pananalangin ni Jesus sa Lucas 5:16; 6:12; at Mateo 14:23.

Panalangin

Diyos ko, salamat dahil nais mong magkaroon ng oras na kasama ako. Salamat dahil lagi Kang nakikinig sa akin at sinasagot Mo ang aking mga panalangin.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Indescribable: A 7-Day Journey About God And Science

Batay sa pambatang debosyonal ni Louie Giglio na Indescribable: 100 Devotions About God & Science, ang babasahing gabay na ito ay tutulong sa mga batang matuklasan ang kamangha-manghang paglikha ng ating di-mailarawang Diyos at ito'y makakatulong sa mga bata at sa mga magulang na matuklasan ang mga kahanga-hangang bagay sa sansinukob kasama ang Manlilikha. Imposibleng mahigitan natin ang imahinasyon ng Diyos. Inaayos Niya ang panahon, lumilikha Siya ng liwanag, at nangungusap Siya ng mga bagay at ang mga ito ay nagkakaroon ng buhay—simula sa pinakamalaking bituin hanggang sa pinakamaliit na isdang-bituin. Ang Diyos ay makapangyarihan, may layunin, personal, walang katulad na Manlilikha. Sinasabi ng Mga Awit 19:1 na, "Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!" Ang pag-aaral na ito ay maaaring gawin ng mga anak kasama ang kanilang mga magulang at ito'y makahihikayat sa paghanga sa pagiging malikhain ng Diyos. 

More

Nais naming pasalamatan ang Passion Publishing sa pagpapaunlak ng babasahing gabay na ito. Para sa karagdagang detalye at mga materyales sa aklat, bisitahin ang: www.louiegiglio.com/indescribable/