Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 24 NG 25

Ang Pasko ay nagbigay sa sangkatauhan ng posibilidad na maranasan ang kagalakan ng langit habang nabubuhay pa dito sa mundo. Nang naparito si Jesus sa daigdig, inihanda Niya ang daan upang ang kagalakan ay tuluy-tuloy na pumasok sa puso mo!

Isa sa pinakamahalagang aspeto ng Pasko para sa isang mananampalataya ay ang pagtugon sa kagalakan sa Kanyang presensya. Ito ay napakahalaga lalo na kapag ikaw ay nagdaraan sa isang mapanghamong kalagayan o kabiguan. Huwag mong asahang mapapawi ng mga kasiyahan ang kirot - tanging ang Kanyang presensya ang may kapangyarihang gawin ito para sa iyo!

Halos 800 taon bago pa ang kapanganakan ni Jesus, inilarawan ng Propetang si Isaias kung ano ang gagawin ng Mesiyas sa Kanyang pagparito. "Tunay ngang inalis Niya ang ating mga kahinaan, pinagaling Niya ang ating mga karamdaman. " (Isaias 53:4) Hindi lamang naparito si jesus upang dalhin ang iyong mga kasalanan sa krus, naparito rin Siya upang ibsan ka sa lahat ng bagay na nagiging sanhi ng iyong kalungkutan at pagdadalamhati. Kinuha ni Jesus lahat ng mga damdamin at pangyayaring iyon sa krus at namatay Siya dahil doon upang mabuhay ka ng may kagalakan!

Si Juan, na noon ay nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, ay napalukso sa tuwa nang si Maria, na noon ay nagdadalang-tao kay Jesus, ay pumasok sa silid. Si Juan, bagaman hindi pa isinisilang, ay tumugon nang may kagalakan na matatagpuan sa presensya ni Jesus. "Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan." (Lukas 1:44) Ang salitang "gumalaw" sa bersikulong ito ay ang salitang Griyego na "skirtao" at ang kahulugan nito ay "gumalaw dahil sa tuwa".

Ang salitang "skirtao" ay ginamit sa iisang lugar lamang sa Bagong Tipan maliban dito at ito ay matatagpuan sa Lukas 6:22 at 23: "Mapalad kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinagbibintangan kayo ay masama. Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit."

Katulad ni Juan, dapat din tayong lumukso sa tuwa kapag nakakatagpo natin ang presensya ni Jesus. Nararapat tayong lumukso sa tuwa kapag tayo ay nagdurusa. Nararapat tayong lumukso sa tuwa kapag nakakaharap natin ang sakit ng damdamin, ang pagkakanulo o ang pagtatakwil. Walang makatuwirang paliwanag para sa ganitong uri ng pagtugon, subalit ito ay isang mabuting pagtugon. Mapapalukso ka lamang kapag gumugugol ka ng oras sa Kanyang presensya. Ang Kanyang presensya ay magbibigay sa iyo ng kakayahang mag-"skirtao" sa pinakamalalang sandali ng iyong buhay.
Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya