Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 22 NG 25

Nang makarating ang mga Mago sa tahanan ng Sanggol na si Cristo at doon ay naranasan ang galak ng dalisay na pagsamba, inihandog nila ang mahahalagang kaloob ng ginto, kamanyang at mira. Ang mga kaloob na ito ay tunay ngang nababagay para sa pamilya ng isang Hari!

"Nang sila'y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi." - (Mateo 2:12)

Kapag ang isang lalaki o babae ay nakibahagi sa isang buong-pusong pagsamba at nagbigay ng isang bagay na mahalaga para sa Hari ng mga Hari, napakadaling marinig ng tinig ng Diyos! Bago ang kamangha-manghang pangyayaring ito, ang mga Mago ay umaasa sa mga direksyong nanggagaling sa mundo at sa mabuting desisyon ng tao. Ngayon, dahil nakilala nila si Jesus, dahil sila ay nagpatirapa sa Kanyang presensya at nagbigay sila sa Kanya ng mga bagay na may halaga, ang patnubay ng Diyos ay madali nilang malaman. Ang pagsamba, sa buhay ng isang mananampalataya, ay nagpapalakas sa pakikinig mula sa langit!

Ang mga Mago ay sanay sa pagkuha ng kanilang kaalaman mula sa pagkakaayos ng mga bituin, o kaya naman ay mula sa mga balumbon ng sulat ng mga matatalinong tao sa kanilang panahon at mula sa mga pamahalaan ng mundo. Ngayon ang mga taong ito ay narinig ang tinig ng Diyos ng lahat ng panahon! Natuklasan nila ang katalinuhan ng pagkuha ng kanilang patnubay mula sa Diyos. Hindi lamang nila naririnig ang tinig ng Diyos ... sinusunod nila ito! Isang malaking pagbabago para sa mga taong dati rati ay pinahahalagahan ang akademikong katanyagan!

Nagbigay ng babala ang Diyos sa mga Mago sa pamamagitan ng panaginip na bumalik sila gamit ang ibang daan kaysa sa kanilang dinaanan patungo roon. Binalak ni Herodes na patayin ang bagong-silang na sanggol na Hari ng mga Hudyo at hinihintay niyang malaman ang Kanyang kinaroroonan mula sa mga Mago kapag sila ay bumalik sa Jerusalem. Hindi lamang nagbibigay ng kakayahang makarinig ng tinig ng Diyos ang pagsamba kundi binabago rin nito ang direksyon nila.

Ang pagsamba ay magbibigay sa iyo ng bagong pananaw pagdating sa iyong kapalaran at malalaman mo rin ang daang dapat mong tahakin upang makarating ka sa lugar na binabalak ng Diyos para sa iyo. Huwag mong mamaliitin ang papel na ginagawa ng pagsamba at ng taos-pusong pagbibigay upang marating mo ang tiyak na kapalaran mo kay Cristo.

Katulad ng mga Mago, maaaring nais ng Diyos na marinig mo ang tinig Niya at sa ganoon ay mag-iba ka ng direksyon. Ang bahagi mo sa ekwasyon ng buhay ay ang lubos na pagsamba sa Kanya at ang pagbibigay na may pagsasakripisyo. Ang pagsamba at ang pagbibigay nang mula sa puso ay mahalaga, at sa tuwina ay siyang pinakamahalagang bahagi ng Pasko!

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya