Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 19 NG 25

Ang mga Mago dalubhasa sa astronomiya na isang pag-aaral tungkol sa mga bituin. Itong mga nag-aral at matatalinong taong ito ay hindi mga Hudyo - sila'y mga paganong astrologo na nanggaling sa Silangan. Sa kasalukuyan ay maaari natin silang tawaging mga "manghuhula" o "madyikero". Malamang ay sila ang mga uri ng tao na lalayuan natin sa kasalukuyang panahon. Marahil, sa ika-21 siglo, maaari natin silang tawaging mga humanista..."nasa kaliwang bahagi ng akademya"..."mga weirdo".

Ang mga madyikerong taong ito ay lumapit kay Haring Herodes upang magtanong kung saan nila matatagpuan ang bagong hari, sapagkat ang kanilang pinakabalak ay ang sambahin Siya na isinilang na Hari ng mga Hudyo.

Naligalig si Haring Herodes sa balitang ito at tinipon niya ang kanyang mga manunulat at mga pari upang tuklasin kung saan ipapanganak ang Mesiyas. Ang mga pangunahing pantas ng simabahan nang mga panahong iyon ay nagawang banggitin kay Haring Herodes ang hula mula kay Micah na nagpapatotoo na ang Pinunong ipinadala ng langit ay isisilang sa Bethlehem.

Kaya't nagpatawag ng pangalawang pagpupulong si Haring Herodes kasama ang mga Mago at ipinadala sila sa Betlehem, at sinabihan silang ipaalam sa kanya kapag natagpuan na nila ang Mesiyas sapagkat nais niya ring pumunta at sambahin ang bagong panganak na Hari.

Talaga bang pupunta si Haring Herodes upang sambahin si Jesus? Siyempre hindi! Binabalak ni Haring Herodes na patayin ang Sanggol na naparito upang magdala ng kapayapaan sa mundo! Ang pagsamba ni Haring Herodes ay tanging sa salita lamang. Walang balak ang puso niyang sambahin ang Batang si Cristo, habang ang kanyang bibig ay bumibigkas ng kasinungalingan upang maimpluwensyahan ang balak ng mga Mago.

Ano ang balak mo ngayong Pasko? Ang ibibigay mo lamang ba sa Kanya ay ang mga salitang galing sa bibg mo? Sasabihin mo bang Siya ay Panginoon mo habang iba ang iyong pagkilos?

Ang Pasko ay ang panahon kung saan ang mga layunin ng ating mga puso ay nailalantad. Sasambahin mo lamang ba siya ng bibig mo...o ang puso at buhay mo ba ay makikiisa sa mataas na pagpupuri na nararapat para sa Kanya? Tanging ikaw ang makapagpapasya kung anong uri ng pagsamba ang ibibigay mo. Piliin mo kung sasamba ka sa Kanya sa pamamagitan ng bibig mo lamang o dadalhin mo ba kay Jesus, ang Sanggol na nasa sabsaban, ang pagsambang kasama ang habambuhay na pagkilos nang may pagmamahal.Halika! Sambahin natin Siya!

Banal na Kasulatan

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya