Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 20 NG 25

Inakay ng tala ang mga Mago sa Liwanag ng Mundo! Hindi kailangan ng mga pantas ang tagubilin o ang kakayahan sa paglalakbay ni Haring Herodes at ng mga pinakamagagaling na alagad niya - kailangan lamang nilang sumunod sa Liwanag ng Mundo.

Nang sila'y pinahinto ng tala sa kanilang mayamang daanan, sinasabi ng Bibliyang ang mga nag-aral na lalaking ito "nagkaroon ng matinding pagbubunyi na may kasamang labis na kagalakan." At napakalaking pagdiriwang ang nagsimula nang gabing iyon! Anim na salita lamang: "matinding pagbubunyi, may kasamang labis na kagalakan" ngunit napakayaman ng hawak ng kasalatang ito. Ang anim na payak na mga salitang ito ay ilan sa pinaka-malamang salita sa buong Banal na Kasulatan.

ang kahulugan ng "Nagdiwang" ay "hayaan mong ang pag-asa ng kaligayahan sa hinaharap ay magbigay sa iyo ng kagalakan!" Napakayamang layunin at pagkakatawag! Ang salitang ito ay nakikipag-usap sa atin, mula sa bawat salinlahi at bawat makasaysayang panahon, dahil ipinanganak ang Sanggol sa sabsaban, maaari tayong tumingin sa hinaharap - na walang pangamba o pag-aalala, kundi nang may pag-asa at inaasahan. Kapag nakatagpo mo si Jesus, may dahilan upang magdiwang dahil sa napakaraming biyaya na papunta sa direksyon mo.

Ang "matindi" ay nangangahulugang "labis" o kaya naman ay "pinakamalakas". Ang mga pampropesor na uri ng mga taong ito mula sa unang siglo ay hindi lamang tahimik na yumuko habang ang kanilang mga kamay ay nakatiklop sa unahan ng kanilang mga matatalinong mukha. Ang kagalakang kanilang naranasan sa presensya ni Jesus ay isang pagsabog ng kagalakan na nagpatumba sa mga gora mula sa kanilang mga malambot na ulo! Ang mga lalaking ito ay tumatalon nang baba't taas...sila'y nakikisali sa john-jump! Sa wakas ay may dahilan na ang mga mago upang magdiwang sapagkat natagpuan na nila ang pinagmumulan ng kagalakan.

Ang "labis" sa pangungusap na ito ay nangangahulugang "may malaking pagsisikap ng pagmamahal at damdamin ng isipan". Mahalagang makita na ang mismong kahulugan ng salitang "labis" dito ay may kasamang salitang para sa "isipan". Ang mga Mago ay mga lalaking umaasa sa mga balumbon at may matinding katalinuhan; sa sandaling ang talang ito ay huminto sa presensya ni Jesus, lahat ng kanilang natutunan o napag-aralan ay walang kasaysayan kung ihahambing sa napakahalagang pangyayaring ito. Ang mapaharap ka sa presensya ng Lumikha ng sandaigdigan ay isang pagkakataong nakapagpapabago ng buhay at tumatagos ito sa paraan ng kanilang pag-iisip at sa pagpoproseso ng mga kaalaman.

At sa kahuli-hulihan, ang salitang "kagalakan" ay napakayaman sa kanyang kahulugan at kayarian sapagkat ito'y ipinapaliwanag bilang ang "kaligayahang tinatamasa ng Panginoon". Ang bawat pagpapalang mayroon ang Panginoon...ay mayroon ka na ngayon...dahil sa Pasko!
Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya