Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 23 NG 25

Alam mo ba na ang Pasko ay tungkol sa mga regalo? Ngayon ... bago ka maging mapagmataas tulad ni Scrooge ... pag-isipan mo muna ito ng sandali.

Bawat maligayang araw ng milagrong panahong ito ... bawat biskwit na iniluto nang may pagmamahal ... bawat Christmas card na dali-daling ipinadala ay patungkol sa pagbibigay ng regalo. Ang layunin ng puso ay upang magbigay ng regalo sa tao na naging parte na iyong buhay Minsan ang regalo ay isang sakripisyo... at minsan ay isang kinakailangang abala.

Para sa ibang tao bumibili ka ng regalo dahil ito ay inaasahan. Para sa iba, bumibili sila dahil, simple lang, ito ang paraang gusto nila. Maraming tao ang bumibili ng regalo dahil sa nakasanayan na o dahil sa mga kahilingan ng kanilang mahal sa buhay pero madalas ay bumibili tayo dahil sa ating taos-pusong pagmamahal. Nagbibigay tayo dahil tayo ay nangangalinga at nais nating magbahagi ng kapiraso ng ating puso.

Binigyan ng langit ang bawat tao sa bawat henerasyon ng pinakatatanging Regalo sa lahat. Sabi ng Biblia, "Isang Sanggol ang ipinanganak para sa atin!" Isipin mo ang himala ng regalong iyon ... makiisa sa kaligayahan na ang Dios ay ibinigay ang Kanyang Anak bilang regalo para sa iyo!

Ang unang Pasko, mahigit 2000 ng taong nakalipas, ay tungkol sa mga regalo! Ito ay tungkol sa Regalong galing sa kalangitan kalakip ang iyong pangalan ... na may pagmamahal, mula mismo sa Dios! Hindi ito nakabalot sa mamahaling pulang papel na tinalian ng ginintuang laso, bagkus ito ay regalong Siya mismo ang pumili para sa iyo.

Ito ay isang regalong alam Niyang hindi mo kayang mabuhay nang wala nito. Alam Niyang ang natatanging Regalo na ito ang siyang magpapabago ng iyong buhay magpasa walang hanggan.

Ang Regalong ito ay ibinigay na ... isang Sanggol sa sabsaban. Sinasabi ng Biblia na "Mahal na mahal ng Diyos ang mundo na Ibinigay Niya ang Kanyang Anak ... Ang Kanyang natatanging Anak!" Kapag tunay mong minamahal ang isang tao ... kusa ka lamang na nagbibigay! Mahal na mahal ka ng Diyos upang ibigay sa iyo ang pinaka gusto mo sa lahat: walang pasubaling pag-ibig at walang hanggan na awitin sa iyong puso.

Tatanggapin mo ba ang regalong ito mula sa langit ngayong taon? Ibinigay na ang regalo sa iyo upang iyong tanggapin. Ito ang regalo ng isang Ama sa Kanyang anak, Ito ang regalo na gumagarantiya sa iyo papasok sa pintuan ng kalangitan anuman ang iyong sitwasyon, at ang regalong tiyak na magpapapasok sa iyo patungo sa kagalakan ng langit.

Banal na Kasulatan

Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya