Ang Sining ng PananaigHalimbawa

Araw 7: Sa Kagalakan ang Huling Tawa
Nakita ko ang kagalakan sa maraming libing.
Sa totoo lang, sa karamihanglibing. Kahit na sa sakit at kalungkutan, karaniwang maririnig ang mga kaibigan at kapamilyang nagpapahayag ng kagalakan. Kadalasan, kapag tatayo sila para magsalita sa libing, tawa-iyak-tawa sila sa kanilang mga salita. Kapag nagkita-kita ang lahat para sa pagtitipon pagkatapos ng libing, may kapwang mga luha at tawanan habang inaalala ng mga tao ang masasayang pagkakataong nakasama nila ang namatay.
Sinulat ni David sa Mga Awit 30:5, "Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak." Ganito rin ang sinabi ni Pablo sa 2 Mga Taga-Corinto 4:17, “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.” Kapwang nalampasan nina David at Pablo ang kirot ng panahong iyon at nakitang may mas mainam na hinaharap.
Nang walang duda, ang kagalakan ay hindi ang unang emosyong mararamdaman kapag namatayan. Sa pagkaraang-pagkaraan ng pagkawala, ang sakit ay damang-dama, ang sugat ay malalim, at ang kalungkutan ay tila nakalulunod. Oo, sa buong magdamag, luha ay pumapatak — at kadalasan ito ay isa talagang mahaba at madilim na gabi.
Ngunit lahat ng gabi ay nagtatapos. Kahit na ang pinakamahahaba, pinakamadidilim, pinakamalulungkot na gabi ay nagtatapos. Sa takdang panahon sumisikat ang araw, pinaaalis ng liwanag ang dilim, at muling sumisikat ang pag-asa. Kapag ikaw ay tumatangis sa gabi, mahalagang tandaan na ang umaga ay sasapit, at ang kagalakan ay paparating na.
Nang walang duda, hindi inaalis ng kagalakan ang iyong pagdurusa o ibinabalik ang iyong pagkawala. Sa labas walang nagbabago. Ngunit sa loob, lahat ay nagbabago. Kapag ang iyong pagluluksa ay sinimulang baguhin ng kagalakan ng Panginoon, ang lakas ay manunumbalik, at ang pag-asa ay babangon. Makakamtan mo ang isang mas malinaw, mas positibong pananaw sa pagkawalang iyong naranasan at sa hinaharap na naghihintay.
Siyempre, hindi mo maaaring pilitin ang kagalakan na lumitaw tulad nang hindi mo maaaring pilitin na sumikat ang araw. Mahalaga ang tiyempo. Dumarating at lumilipas ang mga panahon. Sa ngayon, baka umiiyak ka, at ayos lang iyon — ngunit huwag masiraan ng loob, hindi ka palaging iiyak. Ngayon ay maaaring nagluluksa ka, ngunit sa paglipas ng kaunting panahon ay sasayaw kang muli. Palaging sa kagalakan ang huling tawa.
Hindi mo kailangang pilitin ang kagalakan, ngunit dapat mo itong asahan. At sa pagdating nito, tanggapin ito. Magpahinga rito. Magpagaling dito. Humanap ng lakas dito.
______________________________
Nakatulong ba ang Gabay na ito? Ang Gabay na ito ay aming inihalaw sa Gabay naThe Art of Overcoming ni Tim Timberlake. Basahin ang buong aklat! Kunin ang iyong kopya ngayon! Ang bawat pagbili ay nagbibigay ng Biblia sa isang taong nangangailangan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang buhay ay puno ng mga problema, pinsala, pagkabigo at sakit. Tutulungan ka ng “Ang Sining ng Pananaig” na harapin ang pagkawala, kalungkutan, at sakit. Ito ay tungkol sa pagtangging pahintulutan ang mga bagay na mukhang mga wakas na pahinain ang iyong loob o hadlangan ka. Sa halip, hayaan ang Diyos na gawing mga simula ito. Kapag ang buhay ay magulo at mahirap, huwag sumuko. Tumingin sa itaas. Anuman ang mahirap na sandali o masakit na pagkawalang kinakaharap mo, kasama mo ang Diyos.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Sa Paghihirap…

Masayahin ang ating Panginoon

Mag One-on-One with God

Prayer

Ang Kahariang Bali-baliktad

Ang Kwento ng Naglayas na Anak
