Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Sining ng PananaigHalimbawa

The Art of Overcoming

ARAW 5 NG 7

Araw 5: Nais ng Diyos na Maibalik sa Kanya ang Mikropono.

Naranasan mo na bang magdusa sa pakikinig ng isang talumpating pamburol na tumagal nang 10 ulit kaysa dapat? Alam kong ako ay oo. Ano ba ang
nasa mga mikroponong nagsasanhing malimutan ng mga tao nang ganap ang oras?


Hindi lang ang mahaba-mong-magkuwentong tiyuhin ang may-salang pangha-hijack ng mga burol. Madalas nating gawin ang tulad pagdating sa ating mga karanasan sa kamatayan. Ipinagluluksa natin ang mga ito, inaalala, ipinagdadalamhati — ngunit hindi binibigyang pansin ang panahon. Hindi na tayo matapos sa pagluluksa at tumatangging umabante.


Di-magtatagal, gugusthin ng Diyos na maibalik sa Kanya ang mikropono.


Ang libing ay kailangang magpatuloy. Kaya, banayad Niya tayong kinakalabit upang ipaalam na pinipigilan natin ang proseso ng pagdadalamhati. Hinihikayat Niya tayong bumitaw at umabante na. Ang libing ay kailangang mangyari, ngunit hindi makapagpapatuloy kung lagi nating pagpipilitang sariwain ang pagkawala.


Sa Mga Awit 23, tanyag na isinulat ni David ang, "Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay." Pansinin na binanggit ni David ang tungkol sa pagdaan sa libis. Ang mga libis ng kamatayan at kadiliman ay hindi nilalayong maging pangmatagalang tahanan. Ang mga ito ay nilalayong pagdaanan, hindi permanenteng tirahan. Maaaring magtagal ang paglalakbay na iyan, ngunit dapat magkaroon ng pag-usad.


Hindi ko layuning sabihin sa iyo kung paano ka dapat magdalamhati, ngunit sinasabi ko sa iyong tandaan na ikaw ay nasa lupain pa rin ng mga buhay kahit ipinagdadalamhati mo ang patay. Isang malawak at magandang mundo ang naghihintay, at ikaw ay isang mahalagang bahagi ng mundo. Huwag tumayo diyang hawak-hawak ang mikropono nang napakatagal nang huwag mapalampas ang lahat ng mayroon ang Diyos para sa iyo. Posible mong gawing pokus ng iyong buhay ang iyong kawalan, sa halip na isang pansamantalang estasyon sa paglalakbay.


Ako ang huling magsasabi sa iyo kung kailan eksaktong napapanahong ilibing na ang iyong kalungkutan. Iyan ay sa pagitan ninyo ng Diyos.


Kaya, tanungin ang iyong sarili kung banayad ka bang kinakalabit ng Diyos na ibigay sa Kanya ang mikropono. Sinasabi ba Niya sa iyo na nagbabago na ang mga panahon, na oras nang wakasan ang talumpating pamburol at umabante na sa hinaharap? Kung hindi, maglaan pa ng oras sa pagdadalamhati.


Ngunit kung oo, hayaan ang Kanyang kagandahang-loob na akayin kang pasulong.


Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Art of Overcoming

Ang buhay ay puno ng mga problema, pinsala, pagkabigo at sakit. Tutulungan ka ng “Ang Sining ng Pananaig” na harapin ang pagkawala, kalungkutan, at sakit. Ito ay tungkol sa pagtangging pahintulutan ang mga bagay na mukha...

More

Nais naming pasalamatan ang Biblica sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang://www.biblica.com/timtimberlake

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya