Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Sining ng PananaigHalimbawa

The Art of Overcoming

ARAW 4 NG 7

Araw 4: Paano Haharapin ang Mga Nasirang Pangarap.

Namatayan ka na ba ng pangarap?


Maaari itong isang ideya sa negosyo na tiyak kang kikita ka ng milyun-milyon. Maaari itong isang panaginip na romansa na naglaho.


Minsan hindi tayo nauuwi sa maligayang magpakailanman. Ang mga pangarap ay hindi palaging nagkakatotoo. At sa totoo lang, hindi dapat matupad ang ilang mga pangarap. Ngunit hindi iyon nakakabawas sa sakit kapag nasusubaybayan nating nawawasak ang mga ito.


Ang mga nangangarap ay malapit sa puso ng Diyos — ang Biblia ay puno ng mga ito. Dahil sa ang ilan sa iyong mga panaginip ay naging bangungot ay hindi dahilang dapat mong ihinto ang pangangarap.


Ngunit tandaang ang iyong pangarap ay maaaring kailangang mamatay bago ito mabuhay.


Sa Biblia, ang kuwento ni Jose na nangarap ay nagtapos sa isang maligayang magpakailanman. Ngunit kinailangan ni Jose pagdaanan ang ilang karanasan sa kamatayan upang makarating roon, kabilang ang maipagkakanulo, maalipin, ilang taong maghirap sa trabaho, at mga taon mabilanggo. Sigurado akong may mga pagkakataong naisip niya na tapos na ang kanyang buhay at wala nang pag-asa.


Ngunit nang dumating ang tamang panahon, tinupad ng Diyos ang kanyang pangarap sa mga paraang lubhang nakahihigit kaysa sa inasahan ni Jose.


Ang mga pangarap ng Diyos ay palaging mas malaki kaysa sa mga pangarap ng tao. Paminsan ang ating mga pangarap ay kailangang mamatay, kahit pansamantala, para tayo ay mamatay sa ating mga pangarap. Ibig sabihin nito, kailangan nating alisin ang ating mga ideya at ang ating pag-asa sa sarili mula sa pedestal at ilagay ang mga ito sa altar. Minsan ang pagkamatay ng ating maliliit na pangarap ay nagbibigay-daan sa pagsasakatuparan ng malaking pangarap ng Diyos. Ang ating magandang pangarap ay dapat mamatay upang bigyang-puwang ang pinakamagandang pangarap, para sa isang pangarap na kasukat ng Diyos.


Sa sandaling naibabatay natin ang ating seguridad sa kompiyansa natin sa Diyos imbes na isang pansamantalang tagumpay o parangal, magagawa nating ituloy ang ating mga pangarap nang hindi nalilihis sa kung saan tayo marapat tumuon.


Kaya, kung ikaw ay humaharap sa panghihina ng loob at sakit sa isang pangarap na hindi natupad, samantalahin ang sandaling ito upang mas mapalapit sa Diyos. Ibigay mo sa Kanya ang iyong mga mithiin. Hayaan mong tanganan Niya ang iyong pangarap nang sandali pa.


Ligtas ka sa Kanyang mga bisig, at ang iyong pangarap ay ligtas sa Kanyang mga kamay.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Art of Overcoming

Ang buhay ay puno ng mga problema, pinsala, pagkabigo at sakit. Tutulungan ka ng “Ang Sining ng Pananaig” na harapin ang pagkawala, kalungkutan, at sakit. Ito ay tungkol sa pagtangging pahintulutan ang mga bagay na mukha...

More

Nais naming pasalamatan ang Biblica sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang://www.biblica.com/timtimberlake

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya