Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Sining ng PananaigHalimbawa

The Art of Overcoming

ARAW 6 NG 7

Araw 6: Pagsumpong ng Kapayapaan sa Pamamagitan ng Pagtanggap


Hindi lang nadudurog ang mga puso. Naaayos din ang mga ito.


Iyan ang dahilang isa sa pinakamahalagang hakbang tungo sa paghilom ay ang pagtanggap sa pagkawala — isang emosyonal, mental, at pati espirituwal na pasyang payapang tanggapin ang ating pagkawala nang lubusang masulit ang ating kinabukasan.


Maaaring narinig mo na ang tungkol Job, ang kahabag-habag na tao sa Biblia na nawalan ng halos lahat na pinahahalagahan niya sa loob lang ng ilang araw.


Si Job ay isang kamangha-manghang modelo ng pagtanggap dahil siya ay naging ganap na bukas patungkol sa kanyang pagdurusa, ngunit nagawa rin niyang ibigay ang kontrol sa Diyos. Ang kanyang pagtanggap ay natural na resulta ng pagkilala sa soberanya ng Diyos. Batid niya ang hangganan ng kung ano ang kaya niyang kontrolin at ayusin, at ng hindi niya magagawa


Hindi natin alam kung gaano katagal ang pagdurusa ni Job. Ito ay maaaring hindi kukulang sa ilang buwan. Maaaring ilang taon. Ngunit natapos ito. Iyan ay isa sa mga pangunahing punto ng aklat. Nagtiyaga siya, naghintay siya, nagtiwala siya. Nang sabay-sabay, nagdusa siya, nagreklamo siya, at nag-usisa siya. Hindi kinakailangang mawala ang isa upang umiral ang iba.


Nang maglaon, nilinaw ng Diyos na panahon nang ihinto ang pamumuhay sa nakaraan. Nais Niyang tanggaping matiwasay ni Job ang ngayon. Posible lang na mangyari iyon sa pamamagitan ng pag-angkin sa kapayapaan ng Diyos, isang kapayapaang higit sa lohika at pang-unawa ng tao.


Ikaw naman?


Nasaan ka na sa proseso ng pagtanggap ng kawalan? Nasusumpungan mo pa rin ba ang iyong sarilng ipinaglalaban ang isang marapat mo nang bitawan o kinakapitan ang isang bagay na hindi mo na mababawi? May mga tinig bang bumubulong sa iyong tainga (tulad ng kay Job) na nagpapasaring na ang iyong pagdurusa ay kasalanan mo? O may naririnig ka bang tinig mula sa langit na nagpapaalalang walang bakante para sa trabahong pinuno ng sansinukob, kailangang lang ng lahat na huminahon ng kaunti at hayaan ang Diyos na maging Diyos?


Saan ka man naroroon, hindi ako naririto para husgahan ka, at hindi rin kita minamadali.


Talagang narito lang ako upang paalalahanan kang ang Diyos ay nananatiling mabuti at kontrolado Niya ang lahat. Tuloy ka lang. Patuloy na maniwala. Patuloy na magbabad sa kapayapaan ng Diyos. Talagang naniniwala ako na, tulad ni Job, makikita mo muli ang kabutihan at pagpapala ng Diyos.


Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Art of Overcoming

Ang buhay ay puno ng mga problema, pinsala, pagkabigo at sakit. Tutulungan ka ng “Ang Sining ng Pananaig” na harapin ang pagkawala, kalungkutan, at sakit. Ito ay tungkol sa pagtangging pahintulutan ang mga bagay na mukha...

More

Nais naming pasalamatan ang Biblica sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang://www.biblica.com/timtimberlake

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya