Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Sining ng PananaigHalimbawa

The Art of Overcoming

ARAW 2 NG 7

Araw 2: Pananampalataya sa Dilim

"May halimaw sa ilalim ng aking kama!"


Nagising ka na ba ng isang batang nagsisigaw sa takot dito? Baka ikaw ang batang ito noon.


Habang lumalaki tayo, ang mga halimaw sa ilalim ng kama ay naglalaho. Ngunit mas lumalakas ang mga halimaw sa ating mga isip . Maaari tayong patuloy na mabuhay sa takot sa mga kaaway na maaaring umatake sa atin at sa kasamaang maaaring mangyari sa atin.


Lahat tayo ay nahaharap sa takot. Sa totoo lang, maraming dapat katakutan sa hindi tiyak na mundong ito. Lahat tayo ay may isang bagay na pabiling-biling at pabali-balikwas sa gabi.


Ano ang sagot, kung gayon?


Yakapin ang isang pananampalataya sa Diyos na sapat ang laki at sapat ang katapatang matugunan ang mga pagsubok at trahedya, hindi lamang mga tagumpay. Anuman ang mangyari—buhay man o kamatayan, manalo o matalo, magtagumpay o mabigo—ang Diyos ang bahala, at mapagtitiwalaan Siya. (Mga Taga-Roma 8:38-39).


Haharapin natin ang ilang mahihirap na bagay sa buhay. Walang anuman sa mga ito ang makasisira sa ating relasyon sa Diyos. Kahit na magkatotoo ang pinakamatinding takot natin, maaasahan pa rin natin ang pag-ibig at presensya ng Diyos. Hindi ba iyan ang ibig sabihin ng pananampalataya? Isang parang-batang pagtitiwala sa pag-ibig ng Diyos?


Kapag natutunan mong mamuhay nang may pananampalataya sa Diyos, mawawalan ng kapangyarihan ang kamatayan at pagkawala. Ang pananampalataya ay nagbibigay-daan sa iyo na harapin ang anumang banta, anumang masamang balita, o anumang takot nang hindi nalulula. Hayaang bigyang-saysay ng pananampalataya ang iyong buhay, at gagabayan ka nito sa iyong mga karanasan sa kamatayan nang nananatiling buo. Huwag lamang bigyan ng pagkilala ito para sa mga tagumpay - hayaan itong suportahan ka sa mga kabiguan, pagkabigo, at kasakitan din. Ito ang pinakasakdal nitong anyo.


Oo, ang pinakamasama ay maaaring mangyari. Hindi, ang iyong himala ay maaaring hindi maganap sa dakong ito ng langit. Oo, may ilang mahihirap na araw sa hinaharap.


Ngunit hindi mo kailangang matakot. Ang pananampalataya ay nagbubukas ng iyong mga mata sa Diyos na nagpapalibot sa iyo ng mga bisig ng pag-ibig at mga hukbo ng proteksyon.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Art of Overcoming

Ang buhay ay puno ng mga problema, pinsala, pagkabigo at sakit. Tutulungan ka ng “Ang Sining ng Pananaig” na harapin ang pagkawala, kalungkutan, at sakit. Ito ay tungkol sa pagtangging pahintulutan ang mga bagay na mukha...

More

Nais naming pasalamatan ang Biblica sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang://www.biblica.com/timtimberlake

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya