Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Sining ng PananaigHalimbawa

The Art of Overcoming

ARAW 1 NG 7

Araw 1: Ang Mga Wakas ay Mga Simula.

Kung naranasan mo na ang biglaang pagkamatay ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya, alam mo ang kakila-kilabot na kapangyarihan ng kamatayan kapag tumama ito. Totoo rin ito sa biglaang pagkawala ng anumang bagay na pinahahalagahan natin. Ito ay isang hindi inaasahang dagok na biglang nagpapatigil sa atin. Pakiramdam natin ay wala tayong kalaban-laban, walang pag-asa, at talunan.


Ngunit ano kaya kung ang pagkawala at kalungkutan ay hindi wakas tulad nang ating nararamdaman?


Habang mas binabasa ko ang Biblia at habang mas matagal kong sinusunod si Jesus, mas nakikita ko ang simpleng katotohanang itong nangyayari: ang inaakala nating pinsala ay karaniwang mga simula pa lamang. Ang inaakala nating pagkawala ay kadalasang nagiging pakinabang. Ang tinuturing na kahinaan ay kalaunang nagiging kalakasan. Ang sinadya para sa kasamaan ay nagbubunga ng mabuti. Bakit? Sapagkat ganoon kamakapangyarihan at kabuti ang Diyos. May paraan Siya para ang pinakamasamang pangyayari ay gawing pinakamagandang mangyayari.


Ang pagbabago ng ating pananaw upang makita ang malaking larawan ay hindi madali o walang sakit.


Isipin kung ano ang dumaraan sa isip ng isang sanggol kapag siya ay ipinanganak. Nandoon ako nang isilang ang aking anak. Hindi siya natuwa sa proseso ni kaunti! Malamang na pinili na lang niyang manatili sa sinapupunan. Hindi niya malamang naisip ang kalayaan sa labas ng mundo.


Sa parehong paraan, madalas nating kinakapitan ang mga tao, lugar, o pangarap na kinatatakutan nating mawala dahil sa takot sa hindi natin alam. Nakakatakot sa atin ang “maliliit na kamatayan” dahil hindi natin maisip kung ano ang hinaharap. Tulad ng isang bagong silang na sanggol, hindi natin alam kung paanong ipahiwatig ito.


Ngunit sa kuwento ng Diyos, ang pagtatapos ng isang kabanata ay karaniwang simula lamang ng isang mas malaking pagkakataon. Inilarawan ni Jesus ang Kanyang sariling buhay bilang isang binhi na kailangang mamatay at ilibing bago ito makapagbigay ng buhay sa marami (Juan 12:23-25). Nalalapat ang prinsipyong ito sa iba pang uri ng pagkamatay sa ating buhay.


Ang kamatayan ay hindi ang katapusan. Ito ay isang pagtatapos, oo, ngunit hindi ito ang katapusan. Isa rin itong simula, isang kinakailangang hakbang bago magkaroon ng kung ano ang bago.


Kaya, sa halip na mag-panic dahil sa takot sa hindi alam, huminga nang malalim. Piliing magtiwala sa Diyos. Pumasok sa pintuan. Kung ang isang nasirang panaginip, pagkawala ng trabaho, nasirang relasyon, o kung ano pa man ang nagdulot sa iyo ng pagkabalisa, nasa iyo na upang iproseso ang kamatayang iyon sa tamang paraan — at pagkatapos ay humakbang tungo sa bago.


Nais ng Diyos na gawing simula ang iyong wakas.


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Art of Overcoming

Ang buhay ay puno ng mga problema, pinsala, pagkabigo at sakit. Tutulungan ka ng “Ang Sining ng Pananaig” na harapin ang pagkawala, kalungkutan, at sakit. Ito ay tungkol sa pagtangging pahintulutan ang mga bagay na mukha...

More

Nais naming pasalamatan ang Biblica sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang://www.biblica.com/timtimberlake

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya