Alamin Ang Iyong Mga Bakit: Tuklasin At Tuparin Ang Iyong Pagkatawag Halimbawa

Tinawag Upang Sumamba
Ang totoong pagsamba ay ipinagdiriwang ang mga pagkatawag. Tayo ay itinadhana sa pinakadakilang pribilehiyo na maaaring matanggap ng isang tao: ang sambahin ang buhay na Diyos. Nagtatapos ang libro ng Pahayag sa imbitasyong, "Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad." (Pahayag 22:17). Ito ang nagpapanatili, nagpapabago, nagpapalusog, at nagpapatibay sa atin—ang tubig ng buhay na ito, ang nag-iisang tunay na elixir na magbibigay sa atin ng walang hanggang buhay ng pagsamba.
Ang pagsamba ang pinakamahalagang bagay na magagawa ko sa mundong ito. Ang kahanga-hangang paunang pangungusap ng Biblia-"Nang pasimula ay nilikha ng Diyos..." (Genesis 1:1)—ay nakakuha ng panimulang yugto para sa lahat ng pagsamba. Ito ay Kanyang kusa. Hindi ko Siya kayang sambahin maliban na lamang na Siya ang naunang maglagay ng pagnanais sa puso ko sa pamamagitan ng pagpayag Niya sa Kanyang anak na baguhin ang buhay ko. Pangunahing paniniwala sa aking buhay ang tiwala ko kay Jesu-Cristo ang nagbago ng lahat. At ang kapana-panabik na bahagi ay ang pagsamba ang daan kung saan, sa dalawang-daang kalye na magkasalubong na ito, kaya natin makipag-usap mismo sa Diyos. Anong dakilang panawagan pa ba ang meron sa ating buhay?
Ngunit marahil ang pinakamalaking katotohanan ay kaya natin Siya sambahin kahit nasaan man tayo. Hindi na natin kailangang pumunta sa espesyal na lugar. Ang babaeng Samaritana na nakakilala kay Jesus sa may balon (Juan 4) ay sinabihan na hindi na muli pang kakailanganin ng mga mananampalataya na sumamba sa partikular na lugar—Jerusalem—o sa partikular na pamamaraan, o partikular na oras. Sa halip tayo ay sasamba "sa Espiritu at katotohanan" (bersikulo 24). Isang bagong mundo ang nagbukas. Maaari tayong makipagkita sa Diyos anumang oras, kumilos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, kahit nasa trabaho tayo!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang 7-araw na debosyonal na ito ay makakatulong sa iyo upang mapanghawakan kung ano ang panawagan sa iyo ng Diyos. Tuklasin at tuparin ang iyong panawagan habang pinapatatag mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang kilala, minamahal, at tinawag ng Diyos. Ang babasahin ay nanggaling sa librong Know Your Why ni Ken Costa.
More