Alamin Ang Iyong Mga Bakit: Tuklasin At Tuparin Ang Iyong Pagkatawag Halimbawa

Pagpili nang Maayos
Ang pagpili ng magiging buhay ay hindi madali. Iiwan mo ang kolehiyo at unibersidad at kailangan mong gumawa ng pagpili sa kung ano ang susunod na mangyayari. O kaya naman ay nasa kalagitnaan ka ng iyong karera, kinakaharap ang sangang daan, at iniisip mo, nararamdaman mo, na maaaring tinatawag ka ng Diyos sa isang bagong bagay. Maaaring labis-labis na ang taon na inilagi mo sa iyong trabaho, at humaharap ka ngayon sa mga katanungan kung saan ka nga ba papunta. At ang mga bayarin ay patuloy na dumarating, kaya may pagmamadali ka sa iyong sitwasyon.
Syempre, ang pamimiliang ito ay pribilehiyo ng iilan lang, at dapat na ganoon natin tingnan ito. Pero ang mabilisang pagpapalit ng teknolohiya at ang mabilis na pagbabago ng mga trabaho ang madalas na nagbibigay ng takot at kaguluhan sa pag-iisip. Para bang hindi natin makakayanan ang mga bilang ng mga alternatibo: manatili kung nasaan tayo, magpahinga nang saglit at bumalik sa trabaho, magtrabaho sa loob ng bahay o malayuan, dagdagan ang pag-aaral, palitan ang ating trabaho o kung paano natin ito ginagawa, sumali sa iba sa paggawa ng bagong bagay, lumipat sa ibang bagay na mas "espiritwal o "makabuluhan", magpahinga sa buong oras na gawaing boluntaryo. Nakakahilo ang mga pagpipilian.
Pero sa aking karanasan, lahat ng ito ay ginawang madali at makabuluhan sa kaalaman na tayo ay tinawag ng Diyos at nariyan Siya upang gabayan tayo. Diyos muna. Iyon ang lugar kung saan dapat tayo magsimula.
Maliwanag na sinasabi sa Biblia na binigyan tayo ng Diyos ng mapagpipilian-gumagawa Siya kasama tayo, hindi lamang sa atin. Kadalasan nga, binibigyan tayo ng kalayaan upang hanapin ang gawi ng Diyos at pagkatapos ay gumawa ng ating pagpili. Hindi tayo gumagawa mag-isa malayo sa Kanya, ngunit hindi din tayo mga papet na sumasayaw sa lubid. Ang personal nating pagkatawag ay hindi utos kundi senyales at pag-uudyok. Pumapasok tayo sa mga ito sa pakikipagtuwang kasama ang Diyos, ginagamit ang mga oportunidad na ibinibigay sa atin ng Diyos at ang pagkahilig na ibinibigay din Niya sa atin.
Kahit nasaan ka man ngayon (sabihin na natin na malapit ka ngayon sa Diyos at anuman ang ginagawa mo ngayon ay hindi imoral o ilegal) ay kung saan ka nakatalaga. Ang pagkatawag sa'yo ay hindi isang mailap, wala sa mundong ito, o hindi maabot na lugar. Ang pagkatawag sa'yo ay dito mismo, ngayon mismo. Tinawag ka upang magpatuloy at ipamuhay ang ilaw ng iyong pagkatawag.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang 7-araw na debosyonal na ito ay makakatulong sa iyo upang mapanghawakan kung ano ang panawagan sa iyo ng Diyos. Tuklasin at tuparin ang iyong panawagan habang pinapatatag mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang kilala, minamahal, at tinawag ng Diyos. Ang babasahin ay nanggaling sa librong Know Your Why ni Ken Costa.
More