Alamin Ang Iyong Mga Bakit: Tuklasin At Tuparin Ang Iyong Pagkatawag Halimbawa

Tinawag Upang Magtiyaga
Ang lahat ng bundok ay karaniwang may pagkakahalintuladlahat sila ay malalaki. Malaki ang anyo nila at nagbibigay ng madilim na paligid: karamdaman, pagsalungat, pagkapagod, pagkabigo, pangungulila, pag-uusig, takot sa walang kasiguraduhan.
Kaya tayong patigilin ng mga bundok sa ating paglalakbay. Kaya nitong sapilitang pag-isipin tayong muli at gumawa ng bagong plano. Sa sukat nila ay kaya nitong iparamdam sa atin ang kawalang-halaga at kawalang pag-asa. Ngunit kailangan nating malaman na ang Diyos ay higit na malaki kaysa sa kanila. Suportado tayo ng mas higit na makapangyarihan kumpara sa bundok na kinakaharap natin. Ang ating kahinaan ay hindi hadlang sa kapangyarihan ng Diyos.
Kayang gamitin ng Diyos ang pinakamahinang tao hangga't ang taong ito ay umaasa sa Kanyang Espiritu na gumawa sa pinakamataas na antas. Ang pagtitiwalang ito ang matibay na pundasyon kung saan tumatayo ang ating buhay. Ang pagkilala sa ating kahinaan ay makapangyarihan, higit na makapangyarihan sa kahit ano pang ehemplo ng lakas ng isang tao. Ang tulad nitong kabalintunaan ay makikita lamang sa masalimuot na mundo ni Jesu-Cristo.
Noong 1978, ang batang coach ng St. Mirren football club sa Scotland ay natanggal sa trabaho, dahil naisip nilang hindi maganda ang kanyang ginagawang trabaho. Ngunit hindi niya tinanggap ito. Naniniwala siya na hindi patas ang pagtanggal sa kanya at dinala niya ang pamunuan sa isang industrial tribunal, kung saan hinihingi niyang ibalik siya bilang manager ng grupo.
Tinanggihan ng opisyal na namumuno sa pandinigang tribunal ang kanyang ipinapakiusap na maibalik at inilarawan siya bilang isang makitid ang isip, isip-bata, at kulang sa anumang kakayahan bilang isang manager. Nanindigan siya upang patunayan na mali sila. Ang lalaking iyon ay si Sir Alex Ferguson, ang pinakamahusay na football manager ng kanyang henerasyhon.
Direktang sinabi sa ating ni Jesus na magsalita sa bundok: "Tandaan ninyo ito: kung kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari" (Marcos 11:23).
Syempre, ito ay isang tayutay. Ngunit ganun pa man isa pa rin itong importanteng aral. Dapat natin "kausapin ang bundok"--sabihin nang malakas ang mga pangako ng Diyos tuwing humaharap sa napakalaking pagsalungat.
Ang Salita ng pananampalataya ay lulusaw sa mga bundok ng pag-atake, pagkawasak, at kawalan ng pag-asa, at nakakapagpapaanod sa kanila, na para bang ang mga bundok ay bigla na lang dumudulas sa karagatan. May kakaibang hindi kapani-paniwalang kapangyarihan sa pagpapahayag at pagsambit ng mga salita ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang 7-araw na debosyonal na ito ay makakatulong sa iyo upang mapanghawakan kung ano ang panawagan sa iyo ng Diyos. Tuklasin at tuparin ang iyong panawagan habang pinapatatag mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang kilala, minamahal, at tinawag ng Diyos. Ang babasahin ay nanggaling sa librong Know Your Why ni Ken Costa.
More