Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Alamin Ang Iyong Mga Bakit: Tuklasin At Tuparin Ang Iyong Pagkatawag Halimbawa

Know Your Why: Finding and Fulfilling Your Calling

ARAW 1 NG 7

Tinawag Para sa Kasigasigan

Kadalasan kapag pinag-uusapan ng mga tao ang patungkol sa pagkatawag, sinusubukan nilang tanggalin ang kabuuan ng awtonomiya ng isang pagkatao. Iniisip nila na ang ating ninanais, ating alalahanin, ating kagustuhan at talento ay walang kinalaman. Pero ang katotohanan na tinawag tayo ng ating mapagmahal na Ama ay hindi nagwawalang-saysay sa ating kalayaang pumili.

Paghanap sa ating kinahihiligan—ang pagsagot sa tanong na "Ano ang gusto mo?—ay mahalaga sa paghahanap ng ating pagkatawag. Bibihira itong masagot nang mabilis. Para sa karamihan, ang alamin kung ano ba talaga ang gusto natin ay isang malalim na prosesong sikolohiya: isang paglalakbay sa pagtuklas na nangangailangan ng oras sa paglalakbay at maaaring akayin tayo sa iba't ibang direksyon sa iba't ibang punto ng ating buhay.

Ganito rin ang nangyari para sa mga disipulo. Hindi nila alam kung ano ang gusto nila—maliban sa meron silang hinahanap. Nang tanungin sila ni Jesus, "Ano ang kailangan ninyo?" ay hindi nila alam kung paano ito sagutin. Sa halip ay ibinaling nila ito sa sarili nilang tanong: "Saan po kayo nakatira, Rabi?" (Juan 1:38)

Ang pangangatwiran mula sa katanungan ng mga disipulo ay malinaw: Hindi namin alam ang sagot sa iyong katanungan. Hindi kami sigurado kung ano ang hinahanap namin. Hindi namin alam kung saan kami papunta. Pero alam namin na gusto naming gamitin ang aming oras kasama ka, ang manatili kasama ka, at matutunan ang mga bagay patungkol sa iyo. Dahil kung totoo man na ikaw nga ang sinasabi ni Juan na ikaw, siguro ay makakaya mong ipakita kung ano nga ba ang aming hinahanap.

Ang simpleng pagsagot ni Jesus sa mga disipulo ay kumilala rin sa mga katanungan na hindi nila sinasabi. Ang mga salitang "Halikayo at tingnan ninyo," ay nangangahulugan ng, "Halikayo at tuklasin ang mga plano na meron ako para sa inyo; ang mga pagkatawag at kahihiligan na ibibigay ko sa inyo." At yun mismo ang ginawa ng mga disipulo. Pumasok sila sa bahay nang may hinahanap—ngunit umalis sila na sila ang nahanap.

Dahil hinanap sila ni Jesus at tinawag sila. Isinuko na nila ang paghahanap sa katotohanan at tinanggap ang bagong pagkatawag at bagong pagkakakilanlan, hindi dahil sila ay nakakuha ng lahat ng kasagutan, ngunit dahil nahanap na nila ang nakakaalam ng lahat. Hindi bagong relihiyosong proyekto ang kanilang nakita, hindi bagong programa, kundi isang nilalang. Kinilala sila ng taong ito, at ang pagkakakilanlan na iyon ay nagpabago sa kanilang buhay.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Know Your Why: Finding and Fulfilling Your Calling

Ang 7-araw na debosyonal na ito ay makakatulong sa iyo upang mapanghawakan kung ano ang panawagan sa iyo ng Diyos. Tuklasin at tuparin ang iyong panawagan habang pinapatatag mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang kilala, minamahal, at tinawag ng Diyos. Ang babasahin ay nanggaling sa librong Know Your Why ni Ken Costa.

More

Gusto namin pasalamatan si Ken Costa, Harper Collins, at Thomas Nelson Publishing sa pagbibigay ng planong ito. Para sa iba pang impormasyon, bumisita lamang sa: http://knowyourwhybook.com