Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Alamin Ang Iyong Mga Bakit: Tuklasin At Tuparin Ang Iyong Pagkatawag Halimbawa

Know Your Why: Finding and Fulfilling Your Calling

ARAW 5 NG 7

Tinawag Upang Lakasan ang Loob

Sa tuwing hahakbang tayo nang may pananampalataya, nakikipagsapalaran tayo. Sa tuwing maglalakas-loob tayo na umasa sa harap ng kawalang pag-asa o kaya naman ay mangarap, sa tuwing handa tayong subukan ang mga bagay na para sa mundo ay isang kalokohan, hindi natin ginagawa ang mga bagay na ito nang may kasiguraduhan na ang mga tangka natin ay magtatagumpay. Kahit na ang mapanganib na bagay na ginagawa natin sa kapangyarihan ng Diyos ay masasabi pa ring isang panganib.

Ang Diyos ay hindi tagapagpatupad ng lahat ng hinihingi sa Kanya at gagawing matagumpay ang lahat ng ating pagsusumikap. Bahagi ng pananampalataya ng isang Cristiano, bahagi ng kahandaang mangarap, ay ang pagiging handa ring mabigo. Ibig sabihin din nito ay ang pagiging handa na sumubok para sa Diyos, sa kaalaman na kontrolado lahat ng Diyos at hindi natin.

Madali itong sabihin sa papel, ngunit sa totoo lang ay maaari itong maging mahirap at masakit na matutunan. At sa oras na mapaso tayo sa isang panganib, magiging napakahirap nang sumubok pang muli. Ang takot sa kabiguan ay maaaring magpahinto sa atin sa ating patutunguhan. Ngunit kung hindi tayo susubok, hindi natin maipapamuhay ang buhay nang may pananampalataya, at "kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran" (Mga Hebreo 11:6). Ang pag-iwas sa panganib ay hindi sagot sa takot sa kabiguan; hinding-hindi ito makakakuntento.

Sa talinghaga ng sampung talento, na makikita natin sa Mateo 25, binigyan ng amo ang manggagawa na handang sumubok na palaguin kung ano man ang ibigay sa kanila. Ang isa na umiwas sa panganib, na ibinaon ang kanyang kayamanan sa lupa dahil nakita niya kung gaano kahigpit ang amo—ito'y walang awa at hindi pumapayag sa kabiguan—ay nakatanggap ng galit ng kanyang amo. Sa mga nagtiwala naman sa kabutihan ng amo, sila ay nagkaroon ng gantimpala.

Sa mga sumubok sa kanilang pananampalataya at nakita ang kanilang pag-asang nawasak, sa mga nangarap na may panibagong gagawin sa kanila ang Diyos ngunit nabigo, sinasabi ni Jesus, "Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin!" Napakagaling sa pangangarap, sa pagiging handa na makita ang mga bagay sa kung ano ang maaari pa at hindi sa kung ano ang nariyan ngayon. Napakagaling sa paghakbang sa pananampalataya sa kabila ng takot at pag-aatubili. Napakagaling sa pagsubok isipin na ang pag-asa ay hindi pa nawawala.

Ang ating mga kabiguan ay hindi kabiguan sa mata ng Diyos. Kapag kumikilos tayo sa ating pananampalataya, lagi tayong nagwawagi, kahit na maging matagumpay man tayo o hindi sa ating paningin. Sinong makakapagsabi kung paano maaaring gamitin ng Diyos ang ating kabiguan?

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Know Your Why: Finding and Fulfilling Your Calling

Ang 7-araw na debosyonal na ito ay makakatulong sa iyo upang mapanghawakan kung ano ang panawagan sa iyo ng Diyos. Tuklasin at tuparin ang iyong panawagan habang pinapatatag mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang kilala, minamahal, at tinawag ng Diyos. Ang babasahin ay nanggaling sa librong Know Your Why ni Ken Costa.

More

Gusto namin pasalamatan si Ken Costa, Harper Collins, at Thomas Nelson Publishing sa pagbibigay ng planong ito. Para sa iba pang impormasyon, bumisita lamang sa: http://knowyourwhybook.com