Alamin Ang Iyong Mga Bakit: Tuklasin At Tuparin Ang Iyong Pagkatawag Halimbawa

Tinawag Upang Maghintay
Sa mabilis na pagbabago ng mundo, lahat tayo ay kumakaharap ng panibagong yugto sa ating buhay, ang iba ay kusa nating pinili at ang iba naman ay ipinilit lang sa atin: ang isang yugto ng buhay ay nagtatapos upang magsimula naman ang isa; ang mga mahihirap na hamon sa isang karera ay nagdadala sa panibagong trabaho; ang mga bagong oportunidad naman ay nagbabago sa ating paraan ng pamumuhay.
Sa mga panahong ganito, maaaring isipin natin na walang magandang maibubunga ang ating karanasan sa paghihintay. Ngunit ito ang pinakamahalagang oras ng ating buhay kay Cristo: kapag lumapit Siya at gumawa sa atin upang ihanay ang kagustuhan natin sa Kanyang layunin. Ang panahaon na ito ang nagbibigay-daan sa atin upang tumugon sa Kanyang panawagan sa susunod na yugto ng ating buhay. May pananabik sa mga panahon na ganito kung tama ang ating saloobin at kung yayakapin natin imbis na labanan ang mga hamon ng panahon.
Lumapit sa Diyos
Ginagamit ng Diyos ang panahon ng paghihintay para mapalapit tayo sa Kanya, sa ating sarili, at sa ating mga mahal sa buhay. Maraming tao ang nagsasabi sa akin na sa mga oras ng walang katiyakan ay mas napapalapit sila hindi lamang sa Diyos kundi pati na rin sa kanilang mga asawa at sa mga taong malapit sa kanila. Sa pakikipaglaban sa ating atensyon, madalas ay hinahayaan ng Diyos na dumaan tayo sa panahon ng kahirapan upang ituon natin ang ating mga tenga sa Kanyang boses at maunawaan ang Kanyang direksyon.
Sa isang nababalisang mundo ay madalas na inilalagay natin ang Diyos sa isang lugar sa napaka-aktibo nating buhay, pinipilit Siyang pagkasyahin sa ating mga gawain. Hindi ito uubra. Ang panahon ng paghihintay ay ang mga oras upang malaman natin na nadadala na tayo sa mundo ng ekspektasyon at madaliang mga sagot. Hindi ito ang tunay na mundo. Madalas ang paraan ng Diyos ay ang gisingin sa atin ang isang pagkatawag, ngunit para malaman natin na ang gusto talaga Niya ay ang mapalapit sa atin.
Sa aklat ng Isaias, nagkaroon ng malubhang sakit si Haring Ezequias at nakatanggap ng salita galing sa propetang si Amos na siya ay papanaw na. Nagmakaawa ang hari sa Diyos para sa kaligtasan, at pagkatapos ng maikling panahon ng paghihintay, ipinadala ng Diyos si Isaias para ibalita sa kanya na siya ay mabubuhay. Hindi nakakagulat na ang hari ay lubhang nahimasmasan! Ngunit bago pa man siya gumaling, nag-umpisa nang umawit si haring Ezequias ng awit ng papuri para sa Diyos.
Sa kadiliman ng kanyang walang kasiguraduhan, nakita ni Ezequias ang sarili niya na napalapit sa Diyos—kayang pahalagahang muli ang biyaya at pagmamahal ng Tagapagligas.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang 7-araw na debosyonal na ito ay makakatulong sa iyo upang mapanghawakan kung ano ang panawagan sa iyo ng Diyos. Tuklasin at tuparin ang iyong panawagan habang pinapatatag mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang kilala, minamahal, at tinawag ng Diyos. Ang babasahin ay nanggaling sa librong Know Your Why ni Ken Costa.
More