Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Alamin Ang Iyong Mga Bakit: Tuklasin At Tuparin Ang Iyong Pagkatawag Halimbawa

Know Your Why: Finding and Fulfilling Your Calling

ARAW 2 NG 7

Pagkuha sa Pananaw ng Diyos

Isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ngayon ng Cristianismo ay ang pagtanggi sa paniniwala na maaaring may malasakit ang Diyos sa ating indibidwal na kinabukasan, na maaaring may malasakit ang Diyos sa ating pang araw-araw na buhay o may plano sa atin sa labas ng ating partikular na relihiyosong pagkatawag. Madalas ay kuntento na tayo sa ideyang maaaring may ibang tao na siyang tinawag, ngunit may malalim ding pagkabahala kung maaari nga ba tayong gamitin ng Diyos. Pagdating sa aking pagkatawag at aking kinabukasan, natatakot tayo na maaaring nakalimutan na tayo ng Diyos.

Madali nating isipin na ang mga politiko, guro, mga manggagawa sa kawanggawa, at mga doktor ay madaling masisigurado na ang kanilang trabaho ay sagisag ng pagkatawag sa kanila ng Diyos. Ngunit paano naman ang mga taong hindi gumagamot ng kanser, hindi naghahatid ng tulong, o hindi naghahatid ng ebanghelyo sa entablado? Paano nila makikita ang pagtawag na natatangi sa kanila?

Bahagi ng kasagutan ay nakasalalay sa kung paano natin titingnan ang ating trabaho ayon sa pagtingin ng Diyos, sa halip na sa mga mata ng mundo. Ang mundo ay praktikal sa paghatol at pamantayan. Habang malinaw na mabuti ang ating ginagawa at maraming tao ang nabibigyan natin ng magandang epekto, mas lalo naman tayo huhusgashan ng mundo na ang pagsisikap natin ay sulit. Ngunit hindi ito ang pananaw ng Diyos.

Sa bandang huli, kahit na ang pinakadakilang gawain ay makakalimutan ng mundo. Lahat ng ating pagsisikap ay magiging alikabok at buhangin sa harapan ng Diyos na walang hanggan. Napakaganda ng simpleng bersikulo ng Isaiah 40: "Ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman” (bersikulo 8). Pagdating sa kahalagahan ng ating pagkatawag, kailangan nating alamin ang banal na pananaw at tandaan na ang pamantayan ng Diyos ay hindi katulad ng sa mundo.

May mga taong tinawag upang gumawa ng mga mas dakilang trabaho—ang pamahalaan ang mga bansa, ang direktang pagbibigay ng tulong, ang paghahatid ng ebanghelyo sa milyong tao. At may mga tao naman na tinawag upang gumawa ng mga simpleng serbiyo—magsalin ng kape na may ngiti, magwalis ng kalsada, maghurno ng tinapay para sa kanilang kapitbahay. Ngunit hindi naman tumitingin ang Diyos sa mga bagay na ito at itinuturing sila na walang kabuluhan. Para sa Kanya ito ay napakagandang pagbubuhos ng Kanyang espiritu.

Ang pagkatawag upang magsilbi sa Diyos sa lugar ng trabaho ay maaaring sa pamamagitan ng pagtulong upang buhayin muli ang pabagsak nang kumpanya. O kaya naman upang maging totoo at tapat na kaibigan sa isang katrabaho na dumadaan sa mabigat na suliranin. Bagama't ang mundo ay maaaring humusga na mas may kabuluhan ang isa kaysa sa iba, hindi ito gagawin ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Know Your Why: Finding and Fulfilling Your Calling

Ang 7-araw na debosyonal na ito ay makakatulong sa iyo upang mapanghawakan kung ano ang panawagan sa iyo ng Diyos. Tuklasin at tuparin ang iyong panawagan habang pinapatatag mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang kilala, minamahal, at tinawag ng Diyos. Ang babasahin ay nanggaling sa librong Know Your Why ni Ken Costa.

More

Gusto namin pasalamatan si Ken Costa, Harper Collins, at Thomas Nelson Publishing sa pagbibigay ng planong ito. Para sa iba pang impormasyon, bumisita lamang sa: http://knowyourwhybook.com