Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi PagpapatawadHalimbawa

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

ARAW 7 NG 7

Nililinis Tayo ni Jesus  

Isipin kung paano kaya ang isip mo kung puno ito ng mabibigat na bagahe, na may mga markang tulad ng, “hinanakit,” “pagtangging magpatawad,” “mga pagkakamali,” at “hiya.” Ngayon, isiping tinatapon mo ang mga mabibigat na bagaheng iyon at pinapalitan ng mga bagay na tulad ng “kapayapaan,” “pagmamahal,” “pagtanggap,” at “kaligtasan.”  

Iyan ang ipinunta ni Jesus dito para ialok sa atin.  

Kapag lumalapit tayo kay Jesus nang kung sino talaga tayo—bagahe at lahat—sinasabi sa atin ng 1 Juan 1:9 na patatawarin tayo ng Diyos at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat Siya'y tapat at matuwid. At hindi lang Niya tayo lilinisin—gagawin Niya tayong bago!

Kaya, habang sinisikap nating masinsinang linisin ang ating mga kaluluwa mula sa mga bagay na humahadlang at nagpapabigat sa atin, kilalaning si Jesus MIsmo ang tanging daan tungo sa totoo at pangmatagalang kalayaan.  

Sa buhay na ito, magdaranas tayo ng kapighatian. Habang nagtatapon tayo ng lumang bagahe, may bagong bagaheng susulpot. Ngunit si Jesus ay kasama natin, at ang Banal na Espiritu ay nasa atin, gumagabay sa atin, nagtuturo sa atin, umaaliw sa atin, nagtutuwid sa atin, at nagdadalisay sa atin.  

Isang malakas na paalala ang mayroon tayo sa Juan 15:3. Malapit nang matupad ni Jesus ang Kanyang layunin—ang mamatay sa krus para sa ating mga kasalanan. Binibigyan Niya ang Kanyang mga alagad ng mga panghuling pampatibay-loob bago ito mangyarai, at pinaalalahanan Niya sila na Siya ang Tunay na Puno ng ubas—ang daan tungo sa kaligtasan. Matapos ay sinabi NIya ito:  

“Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. ” Juan 15:3 RTPV05 

Dahil sa kung sino si Jesus at dahil sa Kanyang ginawa para sa atin, nalinis na tayo. Tayo ay tanggap. Tayo ay imbitadong mapabilang sa sambahayan ng Diyos. Ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin ang imbitasyon na iyan. At kapag ginawa natin ito, makakaasa tayong patuloy tayong puputulan at lilinisan ng Ama, gagabayan tayo at tutulungan tayong maging mas tulad Niya.  

Habang binubulay-bulay ang lahat ng mga ito, pag-isipan kung paano mo magagawang regular na kaugalian ang imbitahan ang Banal na Espiritu na masinsinang linisin ang iyong kaluluwa. Hindi kailangang magarbo. Gawin ang ginawa ni David. Mag-ukol ng panahong humingi sa Diyos na bigyan ka ng isang pusong tapat.

Tulad ng pagtatakda natin ng mga araw upang linisin ang ating mga tahanan, kailangan nating mag-ukol ng panahon na hingin sa Diyos na baguhin ang ating mga pag-iisip nang maunawaan natin kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban Niya.  

Manalangin: O Diyos, salamat sa Iyo sa pagpapadala kay Jesus upang kami ay linisin at gawing bago. Magpakita sa akin ng isang bagong bagay ngayong naghahanda na akong magbasa. Banal na Espiritu, gabayan ako at turuan ako. Buksan ang puso ko sa kung ano ang maaaring sinasabi Mo, at linisin ako sa anumang hindi kalugud-lugod sa Iyo. Nagtitiwala ako sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, amen.  

Matutunan ang higit pa tungkol sa masinsinang paglilinis ng iyong kaluluwa sa kasamang serye ng pangangaral ni Pastor Craig, na Deep Clean.   

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang https://www.life.church/