Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi PagpapatawadHalimbawa

Masinsinang Paglilinis ng Ating Pagtangging Magpatawad
Ang proseso ng masinsinang paglilinis ay mahaba at masakit. Hindi mo lang kailangang pulutin ang kalat kundi kailangan mo ring alisin ang mga nakatagong duming nag-ipon sa mga baseboard, sa mga kanto, at sa mga lugar na hindi mo palaging tinitingnan. Habang ginagawa ito, maaaring makita at maramdaman mong mas marumi pala ito sa inaakala mo noong magsimula ka, at matukso kang tumigil na lang at sumuko.
Ang proseso ng masinsinang paglilinis ng ating mga kaluluwa ay ganoon din. Masakit ang bulatlatin ang bagaheng emosyonal na pasan natin buong buhay. Ngunit kung magpapatuloy tayo, masusumpungan natin ang paghilom.
Isa sa pinakamahirap alisin na bagay ay ang pagtangging magpatawad. Natutukso tayong isipin na ang pagtangging magpatawad ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan, ngunit ang totoo ay, nagpapanatili ito sa atin na biktima.
Ngunit patuloy nating kinakapitan ang pagtangging magpatawad, kumbinsidong ang paggawa nito ay makatarungan.
Kaya lang bilang mga tagasunod ni Jesus, hindi tayo dapat tumuon sa kung ano ang makatarungan. Dapat tayong tumuon sa pagiging tapat.
At isa sa pinakatapat na bagay na maaari nating gawin ay ang mag-alok ng pagpapatawad, lalo na sa hindi karapat-dapat nito.
Tingnan na lang kung paano inilalarawan ng Banal na Kasulatan ang pagpapatawad sa dalawang siping ito:
Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. Mga Taga-Efeso 4:31-32 RTPV05
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman … Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. Mga Taga-Colosas 3:8, 12-13 RTPV05
Kailangan nating masinsinang linisin ang ating sama ng loob, poot, at galit, at halilihan ang mga ito ng habag, kabaitan, at pagpapakumbaba. Bakit? Dahil tayo ay pinatawad nang napakalaki.
Hindi madaling magpatawad. Ngunit kung tayo ay susunod kay Jesus, ang parehong Espiritu na muling bumuhay kay Cristo ay nananahan sa atin. At ang Kanyang Espiritu ay may sapat na lakas na tulungan tayong magpatawad sa mga nakasakit sa atin, nang kahit sa pinakakamuhi-muhing mga paraan.
Kaya't, kung nahihirapan tayong mag-alok ng pagpapatawad, pakaisipin ang tanong na ito: Nais mo bang maging tama, o nais mong gumaling?
Maaari mong piliing patuloy na kapitan ang sakit, kumbinsidong ang pag-kuwenta ay magpapanatili sa iyong lamang. O maaari mong piliing magpatawad na lang, batid na hindi ka kailanman mas katulad ng Iyong Ama kaysa kapag pinapatawad mo ang isa sa Kanyang mga anak.
Ang ganitong pagsasagawa ay nangangailangan ng pagpapakumbaba, katapatan, at habag kapwa sa iyong sarili at sa kabilang partido. At bagamat ang pagpapatawad ay hindi mahiwagang solusyon na aayos sa lahat mong mga problema, tutulong ito sa iyong ituon ang iyong mga mata sa Ama, na gumagabay sa iyo, tumutulong sa iyo, at humihikayat sa iyong magpatuloy sa proseso.
Manalangin: O Diyos, salamat sa Iyo sa Iyong pagpapatawad sa pamamagitan ni Jesus.Talagang nahihirapan akong patawarin si _______ dahil sa ________. Ngunit alam kong ang pagpapatawad ay katumbas ng kalayaan, at nais kong maging malaya. Tulungan akong lubusang isuko ang aking sakit sa Iyo, at tulungan akong tanggapin ang Iyong kabaitan, kaaliwan, at habag. Nais kong piliing magpatawad sa iba ngayon at bawat araw. Tulungan akong bitawan ang poot at galit at bagkus ay piliin ang kabaitan, nagtitiwala sa Iyo sa buong proseso. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan
