Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi PagpapatawadHalimbawa

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

ARAW 1 NG 7

Masinsinang Paglilinis ng Ating Mga Puso 

Sariwain ang iyong nararamdaman matapos mong linising masinsinan ang iyong lugar. Ang tambak nay nawawala, ang mga ibabaw ay makikinang at makikintab at ang lahat ay amoy malinis at bago. Habang minamasid-masid ang paligid mo, masaya ka sa nagawa mo—na parang nakakahinga ka ulit. 

Mayroon na tayong mga buong programang tungkol sa mga taong nagsasaayos ng kanilang mga tahanan, nagbubukud-bukod ng mga pagkain sa paminggalan ayon sa kulay, at nagbabawas ng kagamitan. Maaaring ganado tayong makiayon sa nauusong pag-aalis ng ating mga tambak, ngunit paano naman ang panloob na trabaho ng masinsinang paglilinis ng ating mga kaluluwa? 

Marami sa atin ang may pasan-pasang bagaheng emosyonal, at ang gulo sa ating isip ay maaaring halos hindi na natin makayanan. Ngunit sa halip na harapin ito, madalas natin itong balewalain. Mas madaling umabante na lang, manatiling abala, at ilihis ang ating pansin sa ibang gawain kaysa kaharapin ang totoong pasan-pasang kabigatan sa ating isipan. 

Ngunit tulad nang hindi natin malilinisan ang ating mga tahanan sa pamamagitan ng pagsisiksik ng lahat ng gamit sa isang aparador, hindi natin maaaring ipilit ang ating emosyonal na basura sa isang filing cabinet sa ating isip. Kung gagawin natin ito, ito'y kalaunang aapaw, at madalas mauuwi sa hindi pagkakasunduan sa mga relasyon, masasamang epektong pisikal, at samaan ng loob. 

Hindi natin kailangang maghintay sa hanggang hindi na natin makayanan bago suriin kung ano ang problema. Ang totoo nito, malaking kapakinabangan ang maya't mayang imbitahan ang Banal na Espirtu na baguhin ang ating mga isip and linisin ang ating mga puso. 

Sumulat siya ng isang pagsusumamong mapatawad, at matapos ay ipinalangin ang dalanging ito: 

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Mga Awit 51:10 RTPV05 

Ang lungkot ni David dahil sa nagawa ay nagsanhi sa kanya ng tunay na pagsisisi. Hindi niya lamang isinantabi ang kanyang mga emosyon o nagtago sa kahihiyan. Bumaling siya sa Diyos. Inimbitahan niya ang Banal na Espiritu na linisin ang kanyang puso. 

Bawat araw, may pagkakataon tayong gawin ang natutulad. 

Kapag pinananaigan tayo ng pagkabagabag dahil sa pagkakasala, hiya, hinanakit, poot, o di-pagpapatawad, maaari tayong humingi sa Diyos ng isang malinis na puso. Kapag nahaharap sa tukso, maaari nating hingin sa Diyos na dalisayin tayo. Kahit sa isang normal na araw, maaari nating hingin sa Diyos na linisin ang ating mga puso at ituon ang ating mga isipan sa Kanya. 

Oras nang paggugulan natin ang ating mga kaluluwa tulad nang paggugol natin sa ating mga paligid. 

Mahalagang unawain na ang masinsinang paglilinis ng ating mga kaluluwa ay hindi nangangahulugan ng pag-aayos ng ating pag-uugali. Mas malalim ito kaysa diyan. Ang masinsinang paglilinis mg ating kaluluwa ay nagsisimula sa pagsisiyasat ng ating puso. 

Sa Mateo 23, nakikipag-usap si Jesus sa mga Pariseo na maingat sa paggawa nang tama pati sa mga maliliit na detalye ngunit kulang ng tamang motibasyon sa kanilang puso. Malinaw na ipinahiwatig ng Kanyang mga salita kung bakit mahalagang hindi lamang linisin ang labas ng ating buhay, kundi payagan din ang Espiritu na baguhin ang ating mga puso: 

“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit ang mga iyon ay puno ng kasakiman at pagiging makasarili. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa, at magiging malinis din ang labas nito!” Mateo 23:25-26 RTPV05 

Sa ilang susunod na araw, pag-uusapan natin ang kung paanong linising masinsinan ang ating mga kaluluwa mula sa mga mapanlasong impluwensya, relasyon, at hinanakit. Ngunit ngayon, tumigil panandali at magbulay: Anong mga bahagi ng kaluluwa ko ang nangangailangan ng masinsinang paglilinis? 

Manalangin: O Diyos, isang pusong tapat sa aki'y likhain. Ipabatid sa akin ang anumang nasa akin na hindi nakakalugod sa Iyo. Ipakita sa akin ang anumang mga bahagi ng buhay kong maaaring kailangan kong pahintulutan ang Banal na Espiritu na linisin ako, at tulungan akong parangalan Ka sa pamamaraan ng aking pamumuhay. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang https://www.life.church/